NINE MONTHS AND BEYOND SPECIAL PART 2 (FINALE)

16.5K 240 58
                                    

EMY...

Masarap gumising sa isang umaga kung sa pagdilat mo ay ang bubungad sayo ay mga mahal mo sa buhay.

Pagdilat ko ng mga mata ko ay tumambad na sa akin ang mala-adonis niyang mukha...

Mahimbing siyang natutulog at ang hindi niya alam habang natutulog siya ay mariin ko siyang pinagmamasdan.

Our love story is unbelievable...

Para siyang panaginip.

Nagsimula sa tukso... sa isang mapusok na pagkakataon... na nauwi sa insidenteng parehas naming di ginusto hanggang sa matali kami sa isa't isa at hanggang unti-unting maging totohanan na ang lahat ng aming nararamdaman sa isa't isa.

Ngunit kahit aminado kaming may pag-ibig na namumuo sa aming dalawa ay di pa rin naming maiwasan ang mag-away, magkasakitan at subukan ng isang malaking pagsubok an gaming pagsasama.

And after many years... heto na uli kami ni Nathan... parang humupa ang bagyo na meron kami non... dahil kami ni Nathan ngayon ay parang isang payapang dagat na sumasabay sa pag-inog ng mundo kasama ang bago naming anghel na si Angelo Gabriel....

"Emy..." ang mahinang sabi ni Nathan habang nanatili siyang nakapikit.

"Don't stare at me... baka malusaw ako."

Napangiti ako, "Paano mo naman nasabing tinititigan kita?"

"Ganyan na kita kakabisado. Kahit nakapikit ko nararamdaman ko pa rin ang pag-iinit ng mga mata mo sa akin."

"Ganon?"

Ngumiti siya, "Yes and Im afraid, baka magmelt ako."

"Im sorry Nathan, matunaw ka na kung matutunaw ko pero hindi ko pagsasawaang titigan ka." ang sabi ko sa kanya.

"Instead of staring at me why don't you just grab me and kiss me. Give me a morning kiss."

Napangiti ako sa sinabi niya. Maslalo kong idinikit ang katawan ko sa kanya at saka dinampian ang kanyang labi.

Niyakap pa niya akong mahigpit and kissed me back.

Passionate kisses in the morning... napakasarap na almusal yun. Parang isang breakfast na hindi ko kayang pagsawaan.

Sandali niyang pinaghiwalay ang aming mga labi at unti-unting idinilat ang kanyang mga mata.

"Happy Anniversary Emy."

Oo nga pala... walang taon na rin ang nakakaraan ng pinagbigkis kami ng tadhana ni Nathan.

"Happy Anniversary Nathan."

"Anong gusto mong gawin natin ngayon? Watch a movie? Mamasyal ? or magcheck in sa isang five star hotel so we can have our special privacy there?" ang tanong niya sa akin.

"Kahit na ano Nathan, basta kasama kita."

"Oo naman alangan namang magwedding anniversary kang mag-isa." Ang sagot niya, "Or okey lang ba sayo?"

"Na ano?"

"If we will start celebrating our love today?"

"Paano?"

"Ay sus Emilia, tinatanong pa bay un." Muli niya akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa labi.

Nag-uumpisang nang mag-alab ang mga damdamin naming sa tagpong iyon nang...

"Uwaa... uwaa..."

Sabay kaming napabangon ni Nathan nang marinig ang iyak na iyon sa aming anak.

Kinuha ni Nathan ang bata sa crib at pinuntahan ito, "Shh... don't cry baby."

Ngumiti si Nathan sa akin, "Alam mo napansin ko sa batang ito... ayaw niyang nagmimake love ang mga magulang niya sa harapan niya. Sabagay... baby pa kasi siya...bawal pa sa kanyang makakita ng ganon."

Natawa ako sa sinabi ni Nathan, as if naman aware ang anak naming sa ginagawa naming mag-asawa. Patawa talaga si Nathan.

"Eh paano natin isi-celebrate ang wedding anniversary natin eh kontrapelo naman pala si Angelo Gabriel."

"Eh di ibilin na lang natin siya kina Mama, akong bahala don, pagbibigyan tayo non, minsan lang naman ito sa isang taon saka..."

"Saka ano..."

"Maybe she wants another apo from us... a girl naman." Ang sabi ni Nathan sa akin.

"Ikaw talaga Nathan, kasunod na kaagad yung iniisip mo eh hindi pa nga nakaka-isang taon itong anak nating ito."

"Plano lang naman, plano ko lang naman magtayo ng isang malaki at masayang pamilya kasama ka."

"Sira ka talaga Nathan alam mo na ngang kabado na ako riyan kay Angelo Gabriel hihiling ka pa ng kasunod at gusto mo talagang damihan ha." Ang sabi ko sa kanya.

Inabot ni Nathan ang isang kamay niya sa akin habang buhat-buhat pa rin ng isa niyang braso an gaming anak, "Hold my hand. Just hold my hand para mawala na ang kaba... dahil Emy, mababawasan ang kaba at pag-aalinlangan mo dahil kasama mo ako."

Ngumiti ako at saka ko hinawakan ng mahigpit ang kamay nay un non Nathan.

Napakawarm ng kamay niya, nararamdaman ko ang comfort na gusto niyang ipaabot sa akin. magkahawak kamay kaming pinagmamasdan ang anghel namin sa buhay.

Isang pamilya na kami ni Nathan at alam ko lumaki man ang pamilya naming... ano man ang dumating sa buhay namin... we just hold each other hands... and everything will be okey.

Magkahawak kamay kaming sasalubungin ang bawat bagong umagang darating sa buhay namin.

"Mahal na mahal ko kayo ni Angelo Gabriel, Emy." Ang bulong niya sa akin.

"Ako rin... sobra." At inabot ko ang mukha niya upang bigyan ito ng isang banayad na halik sa kanyang labi habang parehas naming akay-akay ang munting anghel n gaming buhay.

-END-

Colossians 3:18-19

Wives, submit to your husbands, as is fitting for those who belong to the Lord.

Husbands, love your wives and never treat them harshly.

NINE MONTHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon