2.7

16K 163 19
                                    

Napatakbo si Emy sa loob ng Villa sa sobrang excited na makita ito.

                Sa buong buhay niya ay di siya makapaniwalang makakaapak siya sa ganito kagandang villa. Dalawang palapag ang Villa na iyon, sa baba ay ang salas at kusina at sa second floor naman kanilang private room.

                “Grabe ang ganda.” Dumungaw si Emy sa veranda at pinagmasdan ang asul na dagat na pumapaligid dito, “Grabe Nathan, tignan mo dito pa lang sa veranda tanaw na tanaw ko na yung mga coral reefs.”

                Hinawakan ni Nathan ang bewang ng asawa at pinagmasdan din ng dagat, “Ang ganda noh.”

                “Nathan, thanks ha, thanks for bringing me here. Super ganda talaga. Sa buong buhay ko hindi ko akalain na makakarating ako sa ganito kagandang paraiso.”

                “For you My love.” At saka niya niyakap sa likuran nito si Emy.

                Napa- inhale exhale si Emy habang sinasamyo ang malinis na simoy ng hangin sa lugar nay un, “Napakarefreshing Nathan.”

                Bumulong si Nathan kay Emy, “May mas refreshing pa akong ipapakita sayo.”

                Kinuha ni Nathan ang kamay ni Emy at saka binuksan ang isang pintuan sa Exclusive Villa na iyon.

                Napanganga si Emy nang makita ang isang Jacuzzi sa loob ng malawak na bathroom na iyon at napapaligiran pa ito ng mga petals ng red roses.

                “Refreshing nga.” ang sabi ni Emy.

                “Do you want to soak first bago natin ligirin ang buong isla? Mahaba rin ang naging biyahe natin.”

                That was the most romantic bathroom that they ever stayed. Kung pwede lang iuwi ang bathroom na iyon sa Maynila ay ginawa na nila.

                Tanging mga scented candles lang ang liwanag sa room na iyon at sinasamahan ban g napakabangong aroma na maslalo nagpaparelax sa kanilang dalawa.

                The couples soaked their naked and tired bodies inside of that Jacuzzi while sharing a passionate kiss with each other.

                Sandaling naghiwalay ang kanilang mga labi ngunit hindi pa rin nagkakalayo ang distansya ng kanilang mukha sa isa’t isa.

                “Nathan, sana lagi na lang tayong ganito noh…”

                “Anong laging ganito?”

                “Masaya, ikaw at ako. Laging sweet, laging passionate sa isa’t isa, para bang lagi tayong nasa paraiso at laging nasa Cloud 9. Yung parang walang problema, walang iniisip kundi tayong dalawa lang.”

                “Kaya lang hindi lahat ng panahon nasa Paraiso tayo Emy…”

                Tumango si EMy.

                “Emy, hindi ko man kayang ipangako sayo ang isang perfect na buhay pero asahan mo na wagas ang pagmamahal ko sayo.” ang sabi ni Nathan sa kanya.

                “Ako rin Nathan, I can’t be a perfect wife either pero asahan mong the best ang pagmamahal ko sayo.”

                “You know Emy, sa oras na ito hindi dapat natin iniisip ang problema at kung anong perpekto sa hindi. This time let’s pretend that everything is perfect and wonderful.”

NINE MONTHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon