2.3

18.1K 180 9
                                    

“Sayang Mam noh, akala ko pa naman makakain na ako sa mga ganong klaseng restaurant.” Ang sabi ng Cook ni Emy habang papasok silang dalawa ng mansion at dala-dala ang mga pinamili nilang groceries.

                “Manang talaga oh, presyo lang ang maganda ron pero Im sure mas masarap pa yung mga niluluto niyo rito kesa sa pagkain don. Ang totoo nga niyan Manang parang gusto kong pakiusapan si mama na gawin kang Head Chef sa resto ko eh.”

                Napahawak sa dalawang pisngi niya ang Cook, “Talaga Mam!”

                “Oo, eh yun eh kung papaya gsi Mama.” At ngumiti si Emy.

                “Oh hayan nap ala kayo, kanina ko pa kayo hinihintay.” Ang sabi ni Nathan sabay bitbit sa ibang pinamili nila Emy at dinala ito sa kusina, “Manang, magluto ka na, nagugutom na ako eh.”

                “Ikaw talaga Nathan, ang dali mong magutom.” Ang sabi ni Emy habang babalik silang dalawa ni Nathan sa salas.

                “Eh, siyempre busy para sa election, kaya laging nagugutom.” At kinabig niya ang bewang ng asawa, “Eh kung ikaw muna ang magpakain sa akin habang nagluluto si Manang.”

                Pinalo ni Emy ang noo ni Nathan, “Akala ko ba pagod ka ha? Saka mamaya na yan, baka magkaulcer ka pa.” at sabay silang umupo ni Nathan sa sofa, “Siyanga pala Nathan, may itatanong ako sayo.”

                “Ano yun?” at inakbayan ni Nathan si Emy.

                “Si Janica, di ba naging kayo noon?”

                “Oo pero halos isang buwan kasi nga di ba nabuntis ka non kaya hiniwalayan ko na siya.” ang sabi ni Nathan.

                Tumango si Emy, “Madami ka na bang nalaman tungkol sa kanya?”

                “Am, wala masyado kasi nga sandali lang kami, we just met in school at bar then dating yun lang. Pero actually na-mention nga ng mga kaibigan ko nag anon talaga si Janica mahilig siyang makipagdate smga kilalang tao at anak-anak ng mga pulitiko kasi may ambisyon kasi yun na magkaroon ng powers sa lipunan at makilala. Bakit mo naitanong? Uy… nagseselos ka ron?”

                Sinuko niya si Nathan, “Hindi noh, wala naisip ko lang kasi siya. Naisip ko lang kasi hanggang kaya ngayon bad trip pa rin yun sa akin?”

                Kinuha ni Nathan ang kamay ni Emy at hinalikan ito, “Emy, kung bad trip pa rin si Janica sayo ito lang ang masasabi ko, naiinggit lang yun kasi ako ang napang-asawa mo… ang guwapo ko kaya.”

                Itinaas ni Emy ang kamay niya at biglang sinabunutan si Nathan, “Ikaw talaga puro ka kalokohan.”

                Napahawak si Nathan sa buhok niya, “Aray ha… ikaw Emy, gusto mong sabunutan ako ha…”

                Napanganga si Emy sa sinabi ni Nathan.

                “Ito gusto mo ha!” biglang niyakap ni Nathan si Emy at hinalikan ito sa leeg.

                “Hala Nathan tumigil ka nga, nasa salas tayo, umayos ka.” ang pigil ni Emy kay Nathan habang natatawa siya sa asawa.

                “Sabi ko naman kasi sayo eh… ano sa kuwarto tayo?”

                Ngumiti si Emy, “Hmm.. sige na nga.”

NINE MONTHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon