IPR- Chapter Six

7.1K 130 30
                                    

Chapter Six

A/N

Wahaha, umabot sa quota kaya mag-UUD ako ngayon, thanks guys! ^_^

Wag kayo magalit sakin, wait for it ^_^

7 votes and comments for the next UD naman ^_^

===============================

 

Julia’s POV

 

Tumatakbo kami ni Kath sa kalye, malalate na kasi siya sa pagkikita nila ni DJ sa isang café. Balak na siguro nilang magkaayos.

“Dalian mo, Julia!” sabi ni Kath at muli siya tumakbo patawid ng kalsada.

“Wait lang teh! Red light p--” naputol yung sinasabi ko at napako ako sa kinatatayuan ko nang biglang may sumalpot na kotse at nahagip si Kath.

Nanghina yung mga tuhod ko at napaupo ako sa lupa habang yung mga tao ay nagsisilapitan kay Kath…

Puro dugo siya…

Nanginginig yung kamay ko nang kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ko si Diego.

“Diego… si Kath…” sabi ko na halos umiiyak na.

                                     

“Anong nangyari?” sabi ni Diego sa kabilang linya. Halatang halata yung pag-aalala sa boses niya kasi narinig niya na basag na yung boses ko.

“Si Kath… Nasagasaan ng kotse habang tumatawid siya…” sabi ko na lang sa kanya at nakita ko si Kath na sinakay sa ambulansiya at hinarurot paalis.

“Ano?! Nasaan ka ngayon?” sabi ni Diego, medyo nalakasan niya yung boses niya kaya medyo sumakit na rin yung tenga ko kaya nilayo ko yung phone sa tenga ko.

“Nasa **** Avenue ako, dali!” sabi ko sa kanya at binaba ko na yung linya.

Naghintay lang ako ng mga limang minuto at nakita ko na mabilis na umandar yung kotse ni Diego palapit, agad naman ako sumakay nang tumabi na siya at sinabi ko sa kanya yung pangalan ng ospital na nakita ko sa ambulansiya. Agad naman kami pumunta doon.

Bumaba agad kami ni Diego sa kotse pagkarating namin doon, tumakbo naman kami papasok ng ospital…

“Nasaan na po si Ms. Kathryn Bernardo?” sabi ni Diego sa babae na nasa reception area.

“Sandali lang po…” sabi niya at may dinampot siyang telepono at may kinausap siya. “Si Ms. Bernardo po ay nasa OR for the moment, critical pa po yung kondisyon niya, kaano-ano niya po kayo?” sabi ng babae kay Diego.

“Ako yung pinsan niya…” sabi ni Diego at akmang tatakbo siya papunta sa operating room pero pinigilan siya ng babae.

Ikaw Pa Rin. [Book 2](KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon