IPR- Chapter Three

7.7K 136 14
                                    

Chapter Three

A/N

Medyo mabilis update no? Nasa mood ako eh ^_^

__________________________

Kathryn’s POV

“Hello?” sabi ko pagkasagot ko sa telepono. Unknown number yung tumatawag, mukhang galing sa isang payphone.

“Kathryn...”unang rinig ko pa lang, alam ko na na siya yun. Siya ang kausap ko pero ang kapal naman ng mukha niyang kausapin ako pagkatapos ng ginawa niya sakin.

“Ayaw kitang makita. Ayaw din kitang kausapin. Pero para lang alam mo. I won’t give up...” sabi ko sa kanya with a hint of finality at binaba ko na rin yung tawag.

“Sino yun, Kath?” tanong naman sakin ni Julia pero tiningnan ko lang siya at nagets niya na yung tingin ko sa kanya. “Ano na yung plano mo sa kanya?”

“Hindi ko nga rin alam eh...” sabi ko disappointedly. Hindi ko naman alam yung gagawin ko, at isa lang naman ang pwedeng gawin pero parang ang hirap gawin.

“Baguhin mo siya, gawin mo siyang dating DJ...” sabi naman ni Diego. Yan nga lang ang dapat at pwedeng gawin. Ano bang gusto nila? Lublob ko si DJ sa septic tank? Ewan ko kung magbago. Pero kung uubra, why not? Mas madaling gawin yun.

“Paano ko naman gagawin yun?” sabi ko sa kanila.

“Love is on your side. It’s the only advantage, now, eat...” sabi ni Diego at naupo na rin siya sa tabi ni Julia. “Khal! Quen! Kain na!” tawag niya sa dalawang mokong na nagbabantay sakin dito just in case na pumunta si DJ.

“Geh...” sabi nilang dalawa at umupo si Quen sa kanan ko at si Khalil naman sa kaliwa ko. Ano to? Lokohan? Ako yung reyna? WTH?

“Hala? Pinapalibutan niyo yata si Kath?” sabi naman ni Julia.

“Pabayaan mo na yang dalawang yan, mahalaga si Kath sa kanila kaya okay lang yan...” sabi ni Diego at kumuha siya ng sarili niyang kutsara at tinidor.

“Si Julie?” tanong ko kay Julia.

“Tulog pa. Ang aga pa kaya!” sabi niya sabay turo sa relo. Napatingin kaming lahat. 8:00 a.m. ang aga pa nga para sa bata.

“Mhie, alis na ako ah, may trabaho pa ako...” sabi ni Diego at binigyan niya si Julia ng halik sa pisngi.

“Bye, guys...” sabi niya naman samin.

“Bye...” bati naming lahat sa kanya in chorus, in other words, sabay-sabay.

Ngumiti lang siya samin, kinuha yung gamit niya at umalis na siya.

Nanahimik kaming lahat nang bigla na lang namin narinig yung boses ni Diego na parang galit.

“Anong ginagawa mo rito?!” sabi niya ng pasigaw.

“Nasaan si Kath?” unmistakably, boses ni DJ ang narinig naming lahat, akmang tatayo sina Khal at Quen pero pinigilan ko sila at ako yung tumayo at lumapit sa may gate.

“Diba sabi ko sayo na ayaw kita makita sa ngayon?” sabi ko sa kanya.

Nanahimik na lang siya at umalis.

“Bakit pa siya pumunta dito kung aalis rin naman siya kaagad?” nalilitong tanong ni Julia.

“Alam niyang magagalit lang ako sa kanya lalo kaya mas mabuti na na umalis na lang siya imbes na magpakita dito sa bahay niyo...” sabi ko sa kanya.

“Ah okay, sure...” sabi na lang ni Julia, siguro hindi niya naunawaan ng buo.

Hindi ako nagulat nang bigla na lang may nagtext sakin, as expected pagkakuha ko ng cp ko sa bulsa ko, si DJ.

From: DJ

Meet me later. Ikaw nang bahala sa lugar.

Ayaw ko nga siyang makita kaya ganito na lang yung nireply ko.

To: DJ

Diba sabi ko sayo, ayaw kong makita ang pagmumukha mo? Sige, imeemeet kita, soon. Sa ngayon, makipagmeet ka sa babae mong hinalikan mo at sa pinsan mong mahal na mahal ka!

Galit naman talaga kasi ako sa kanya. Galit na galit.

Nagulat na lang ako nang bigla kong nakita ang pagmumukha ng pinsan ni DJ. Yung pinsan ni DJ na mahal na mahal siya, Barbie ba yung pangalan niya?

“Diba sabi ko sayo na layuan mo si DJ?” sabi niya na may halong pagtataray sakin.

“Nilalapitan ko na siya? Diba siya naman yung kusang lumalapit? Bulag ka ba at hindi mo makita ang katotohanang yun? At pinsan mo siya diba? Ako ang gf niya kaya layuan mo naman kami kasi PINSAN mo lang naman siya, bawal kayo magmahalan...” sabi ko sa kanya. Tatarayan niya ako? Tingnan ko kung sino ang mas mataray saming dalawa.

“Ang sama naman pala ng ugali mo? Ano kaya ang nagustuhan sayo ni DJ? Di ka naman kagandahan?” sabi niya at pinagmasdan niya ako mula paa hanggang ulo. “And as I said a while ago, ang sama pa ng ugali mo. Ano ba ang nagustuhan niya sayo? Ang sama naman ng taste niya!”

“Sa mabuti, ako ay mabuti, sa masama, ako ay mabuti. Alam mo ba sa ngayon, kabutihan pa yung pinapakita ko sayo? Do not do unto others what you do not want others to do unto you. Yang ang golden rule, alalanin mo yan...” sabi ko sa kanya at sinaraduhan ko siya ng gate.

“Taray mo ngayon ah?” sabi ni Khalil sakin pagkabalik ko sa upuan ko.

“Tsss, naiinis pa rin ako diyan sa pinsan ni DJ eh...” sabi ko at bigla ko naisip kung nagkababae kaya si DJ sa Italy sa dami ng babae dun?

“Pabayaan mo na yun, pinsan naman niya lang kasi si DJ eh. Bawal silang magkatuluyan...” sabi na lang ni Julia.

_________________________________

“Kath...” sabi sakin ni Quen.

Nandito kami, magkatabi kaming nakaupo sa couch. Umalis si Khal, may trabaho siya, ganun din si Julia, ako naman, dito lang nagtratrabaho, pwede ko naman isubmit yung manuscript ko kay mam Amelia via internet eh.

“Ano yun?” tanong ko sa kanya habang mabilis akong nagtytype.

“Pwede ba kitang mahalin?” sabi niya sakin.

Napatigil ako sa pagtytype. Hanggang ngayon ba naman, mahal niya pa rin ako? Nagsimula na yun since Junior high. So hindi pa rin nawawala eh sandamakmak na ang nagiging gf nito sa past nine years?

“Eh? You have a girlfriend...” sabi ko na lang sa kanya, oo nga, may girlfriend pa siya ngayon, sa present time.

“I’ll break up with her. Hindi ko naman siya mahal eh...” napatigil ako since naimagine ko si DJ na nagsasabi sa mga pinagsasabi ni Quen.

“Sorry, mahal ko si DJ...” sabi ko sa kanya at tinuloy ko na ang pagtytype.

“Pero mahal kita...” sabi niya with full sincerity.

“Quen, I’m sorry, alam ko naman na dati pa lang, mahal mo na ako, pero dati pa lang, mahal ko na si DJ so I’m really sorry...” bukambibig ko sa kanya.

Nanahimik siya.

“Sige, sorry na rin sa question, kain lang ako saglit...” sabi niya at napakamot na lang siya sa ulo niya at naglakad na siya papuntang kitchen.

I’m really sorry, Quen.

Ikaw Pa Rin. [Book 2](KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon