Falling

4 1 0
                                    

May natatawag ahh. Sino naman ito?

Pagkatingin ko.

"Mommy calling..."

"Hello? Mommy?" Bungad ko sa kanila

"Nak, musta na?" Sabi ni mommy. Miss ko na sila. Miss ko na din mga kapatid ko.

"Eto po mom, ayos lang po. Puro blah blah" nagstart na akong magkwento about sa school, sa subjects ko, sa friends ko, kung kumakain pa ako at kung anu-ano pa.

"Hmmm. Musta naman lovelife mo, nak?" Uh-oh.

"Po?" Yan na lang nasabi ko

"Tingin ko may nagugustuhan ka na. Sabihin mo na nak. Ok lang naman sa amin ng daddy mo. Basta remember mo yung sinabi namin ng daddy mo." Sabi nila.

"Opo, mommy." After nito eh kinwento ko si North sa kanila at sinabi ko na magulo, makulit, maingay siya. Grabe di ko expect na hindi sila galit sa akin. Guess what? Ganun din pala si mommy nung nagkakilala sila ni daddy. Hahaha. Watta coincidence.

"Ok i'll hang up na. Ingat ka jan nak. I love you." Paalam nila sa akin

"Ok mom. Ingat din po kayo. I love you too." Oh kay review muna ako for our exam.

KINABUKASAN

Pagtingin ko sa wall clock ko,

●0●

5:00 A.M. na

Tae! 7:30 ang una kong subject eh. Wala nang kain kain after nung naligo ako. Matagal pa naman ang mga sasakyan dito. Punuan kasi.

Buti di naman ako late pero kumakalam na ang sikmura ko ╭(╯ε╰)╮ 

Pumunta na muna ako sa field after ng first subject ko kahit gutom ako. Haaay miss ko na si....

"Fievel!!!" Nagulat ako si North kasi.

"Oh North musta?" Tanong ko habang palapit siya sa akin.

"Tara, Fievel, sama ka sa amin ni Alyana. Tutal wala kang kasama eh." Imbita niya sa akin.

"Sige ba. Lakas mo sa akin eh." Bola ko sa kanya.

"Sus, asdfghjkl." Hah?

"Ano sabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh wala. Tara na." Sabay pasak ng earphones niya.

Sumunod na ako sa kanya. Lumabas kami ng campus at tumambay sa 7/11 then afterwards, bumalik na naman kami sa school. Ganoon pa rin ang routine namin.

"Uy, Fievel. Mamaya hah." Pinaalala na naman niya. Excited tuloy ako.

"Oo, mamaya." Sabi ko sa kanya.

"Sige, see ya latur, Fiev." Sabay kaway sa akin.

On my way to my next subject eh di na ako mapakali sa pagpunta daw namin ni North sa beach.

Ilang oras din ang lumipas eh uwian na. Whoo! Sadyang excited eh di ko lang pinapahalata.

Malapit na ako sa gate nang makita ko siyang nakatayo sa isang poste inaabangan ako.

"Tagal mo, Fiev." Para talaga siyang lalake.

"Sorry naman. Nakakaasar sa hallway eh. Daming tao." Sabi ko.

"Ahh kaya pala. Tara na at para maaga ka pang makauwi." Sabi niya.

"Sige, teka nasaan si Alyana? O yung isa mong kasama?" Tanong ko sa kanya.

"Si Alyana eh malayo pa ang uuwian niya tsaka si Kier? Pinauna ko na kasi baka asarin pa tayo." Sabi niya.

"Ahh ganoon ba? Teka akin na nga yang bag mo." Whoo di pa rin ako makapaniwala. Para talaga siyang lalake. Tsaka ang bigat ng bag niya na animo'y pinalayas siya.

"Oo, mabigat yan kasi may P.E. kami kanina. Nandyan din yung sapatos ko." Whoo mind reader ata siya.

"Baka sinasabi mo mind reader ako eh sadyang ganito lang ako." Wow alam niya talaga. Haha! Swear! Mind reader ba talaga siya?

"Oo oo na. Tara na" sabi ko habang pasakay na kami ng bus papunta sa lugar nila.

My typeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon