Pagtatagpo

17 2 0
                                    

Isa akong lalake. Tama. Isa akong lalake where I met a girl kung saan hindi yun yung tipo ng mga lalakeng tulad ko. Oo! Siya ay magulo, maingay, loko, parang bata minsan at minsan parang tibo. Ewan but still I will tell you this time how I met her

July **, 20**

Tuesday

3:30 PM

Pauwi na ako sa apartment na tinitirhan ko nang may napansin akong maingay sa harapan ko. Grabe! Para hindi siya babae. Seryoso. Tapos ang ingay niya tapos ang topic pa ata nila ng kasama niya eh about sa crushes o sa Wattpad ata, basta yun. Then may nakita akong nalaglag mula sa bulsa ng pantalon niya. Grabe di niya napansin. Kinuha ko na lang at ibabalik ko na sa kanya.

"Miss.." tawag ko.

Teka bat parang di niya narinig?

"Pre, sino ang kinakausap mo?" Biglang tanong ng kablock ko sa Calculus na nasa likod ko pala.

"Ahh, wala. Yung sarili ko kausap ko." Palusot ko na lang. Hahaha. Mahirap na.

"Ahh. Sige pre una na ako. Ingat ka." Sabi niya sabay sa pagsakay sa dyip.

Haaay

Habang pasakay na ako ng bus, di ko pa rin maalis sa isip ko ang babaeng yon. Siguro first year pa lang yun. Siguro whole day ang klase nun. Aisssshhhhh!! Ewan ba't yun pa iniisip ko.

KINABUKASAN

Pumunta na lang muna ako sa Net Cafe after nun eh pumunta na ako sa 7/11 para magmeryenda tutal almost two hours pa before ng una kong subject.

While I'm eating my food eh may pumasok at siya yun. Oo, yung babae na maingay kahapon yung pumasok kasama yung classmate niya. Sinundan ko siya ng tingin at mabuti di niya ako napapansin. Nakita ko bumili lang siya ng food at nilabas niya yung binder niya. Ewan ko kung nagrereview siya. And gumawa ako ng move.

Lumapit ako sa kanila at nilabas ko yung panyo niya.

"Miss, eto yung panyo mo na nalaglag kahapon." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Waaah! Kuya thank you! Akala ko po naiwan ko sa bus ito eh. Thank you po." Habang sinasabi niya ang mga salitang iyon eh tila ako'y nasa langit na at ngumiti pa siya nang pagkatamis tamis. AWWWW ⊙▽⊙ para siyang bata

Ahhhh!! Erase erase!! Buti ako halata.

"Walang anuman, hehe. Sige alis na ako ay baka malate na ako sa klase ko eh. Bye-bye." Whooo eto lang nasabi ko. Nahihiya kasi ako eh.

Teka??

May nakalimutan ako.

Ay oo!! Di ko naitanong ang pangalan niya putek. Next time na nga lang.

My typeWhere stories live. Discover now