EPILOGUE

48 3 0
                                    

Third Person's POV

R.I.P.
Catherine Trinidad
September 03 1996-February 29 2019

"Lolo, bakit po tayo nandito?"

Napangiti ang matanda at umupo sa harapan ng puntod

"Cathy, nakabalik na ako. Pasensya na at ngayon lamang ako nakadalaw sa iyo. Kamusta ka na?"

"Lolo, sya po ba yung kinekwento nyo na babaeng maganda na nakilala nyo sa ospital noon?"

"Oo, Apo. Catherine, ang pangalan nya"

"Hi po, Miss Catherine. Sabi po ni Lolo, maganda po kayo. May pictures din po syang pinakita so I think po, mabait po kayo"

Napangiti ang matanda at sinindihan ang kandila sa gilid ng puntod nito

"Catherine, narinig mo? Kahit na napakasungit mo noon, mabait ka parin para sa batang ito dahil napakaganda mo"

****
Wilbert's POV

"I'm Catherine Trinidad, 23 years old. Hospital is my Home"

"I'm dying!"

"In your face. Gwapo ka dyan, baka gago"

Napatitig ako sa mga litrato namin na magkasama noon. Ang mga lugar na pinuntahan namin sa loob ng dalawang buwan na iyon

"Lolo, matulog na po kayo" sabi ng Apo kong si Will

Hindi ko sya tunay na kadugo dahil ang kanyang ama ay inampon ko lang noon at inalagaan na parang tunay na anak ko kaya ito ang nagmana ng mga ari-arian na iniwan sakin ni Lolo

"Lolo, hawak nyo nanaman po yang pictures nyo ni Miss Catherine"

"Napakaganda nya, hindi ba?"

"Opo"

"Namimiss ko na sya"

"Sya po ba yung binigyan nyo ng singsing?"

Tumango ako "Sya iyon. Binigay ko iyon noong tinanggal ang sumusuporta sa kanya upang mabuhay"

"Bakit po sumusuporta?"

"Malala na ang sakit nya noon, sinusuportahan nalang ng makina ang buhay nya. Ayoko mang ipatanggal ngunit ayoko na syang mahirapan pa"

"Pero Lolo sabi mo, kung mahal mo ang isang tao. Ipaglalaban mo"

Napangiti ako "Ipinaglaban ko sya ngunit hindi ko rin kinaya"

"Sinukuan nyo po sya?"

Umiling ako at tumingin sa mga bituin

"Nakikita mo ang pinakamaliwanag na bituin sa ibabaw?"

"Opo. Sabi nyo po, si Lola yan"

"Tignan mo ang kasunod na maliwanag na bituin na katabi nun. Sya si Catherine. Hindi nya ako iniwan at hindi ko rin sya iniwan"

"Lolo, hindi naman po totoo yun eh"

"Apo, lahat tayo ay itinakda sa isang tao. At dahil sa mga bituin, pinagtatagpo nila tayo"

"So, I will look for a star that would cross my path to my other half"

"Tama, Apo. Ang mga bituin ay hindi lamang gabay kapag madilim na. Sila ang tumutulong sa atin na hanapin ang kaparehas natin. Parang kami ni Catherine, the Stars Cross Our Paths"

Stars Cross Our PathsWhere stories live. Discover now