Chapter 7

28 3 0
                                    

-FLASHBACK-
Catherine's POV

"Ano pong resulta, Doc?" tanong ni Lolo

"To be honest with you, Mr. Trinidad. The treatment is not really working in her body. The medicines she's taking are not working also. It could ease the pain but I'm sorry, Catherine. Ilang buwan nalang ang itatagal ng buhay mo"

Napatitig ako kay Doc Elle "Ilang buwan? Walang exact month?"

"Tatlong buwan, Catherine. Tatlong buwan nalang. I'm sorry"

Ramdam ko ang pagtulo ng mainit na likod sa pisngi ko na nagmumula sa mga mata ko

Tatlong buwan. Mawawala na ako, pagkalipas ng tatlong buwan

Napatingin ako kay Lolo at niyakap sya "Lolo, ayoko ko kayong iwan"

"I'm sorry, iha. Hindi kita naalagaang mabuti" Lolo said and hugged me back

Tatlong buwan

The last three months of my life

-END OF FLASHBACK-

Pinahid ko ang luha sa pisngi ko

Isang buwan na syang hindi nagpapakita sakin

Sabi ni Sir Magnus, busy sya. Magaling na siguro sya ngayon kaya naigagalaw nya na ng maayos ang kamay nya para makapagpinta muli

Dalawang buwan nalang ang itatagal ko. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya

Kumatok ako sa pinto ng kwarto nya pero walang sumagot

Pinihit ko ang doorknob at nagbukas iyon. Binuksan ko ng malaki ang pinto at tinignan ang buong paligid ng kwarto nya

"Sino ba yan?!"

Napalingon ako sa pinto ng banyo at napabuntong hininga

"Anong ginagawa mo dito?"

"Natitiis mo talaga na magkulong sa ganito kaduming kwarto sa isang buwan?"

"Bakit? May kailangan ka ba?"

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya "I'm sorry for saying those things to you. Sadyang hindi lang tayo pwede but thank you for making me happy and for making me experience the last days of my life"

Kita ko ang pagkunot ng noo nya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko

"What do you mean?"

"Gusto rin kita, Wilbert"

"Then what's stopping you from wanting me?!"

"I'm dying!"

Napatitig sya sakin na kinahina ng tuhod ko. Kumuha ako ng suporta sa braso nya

"I'm dying. Dalawang buwan nalang ang itatagal ko"

Nabitawan ko ang kamay nya at akmang aalis ng hawakan nya ako sa braso

Hinila nya ako palapit sa kanya at kinulog ako sa bisig nya

"Hindi lang kita gusto, Catherine. Mahal na kita at handa akong tanggapin kung sino ka at kung anong lagay mo"

Tinignan ko sya at napangiti "Salamat"

Hinalikan nya ako sa noo at hinawakan ang kamay ko

Napaiwas ako ng tingin at tinignan ang paligid ng kwarto nya

"Ang kalat mo pala kapag nagtatampo?"

Binawi ko ang kamay ko at tinayo ang mga frame sa side table

"Hindi mo rin narealize na nasa kwarto kita noh?"

"Hindi mo rin narealize na wala kang damit noh?" balik tanong ko sa kanya at nginitian sya

"Sabagay, nice view ka naman pala eh"

Nginitian nya ako at lumapit sakin

Napaatras ako pero lumapit nanaman sya. Nabangga ko yung dulo ng kama at napatingin sa kanya

"Nice view ako talaga? Dapat pala sarili ko nalang ginagawa kong subject"

Napairap ako at akmang itutulak sya ng hawakan nya ang kamay ko

"Wait me here, magbibihis lang ako. Baka maging makasalan yang mata mo eh"

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya at pinalo sya sa braso "Lumayas ka na nga sa harapan ko"

He smiled at me playfully and kissed my forehead "Wait for me, Cathy"

Stars Cross Our PathsWhere stories live. Discover now