Chapter 54

11.2K 175 34
                                    


Hindi ako makatulog dahil siguro natulog nako kaninang hapon

"Di ka makatulog?" Napansin ata ni kuya OJ , o baka nagising siya dahil sa likot ko

"Hindi kuya , ikaw din?" Tanong ko

"Sa likot mong yan?" Sabi niya

"Sorry , dahil siguro natulog nako kanina kaya hindi pa ako inaantok" paliwanag ko

"Halika" sabi niya tinignan ko siya kahit na hindi ko naman gaano nakikita bukod sa malabo ang mata ko pag walang lense eh bulag pako sa dilim

"San?" Tanong ko

"Lumapit ka dito" sabi ulit niya

"Bakit?" Tanong ko ulit

"Ang dami mong tanong bahala ka na nga matulog kana o palalabasin kita" kahit hindi ko nakikita ang itchura na sigurado ako nanaiinis siya haha

"Kuya?" Sabi ko bago niya ko tuluyang palabasin ay hihirit nako , lumapit ako ng konti sa kanya

"Hm?" Yon lang sagot niya mukhang sinusubukan na talaga niyang matulog

"Pwede yumakap?" Tanong ko naalala ko nung nasa Baguio kami malamig tapos yumakap ako sa kanya ay one of the best tulog ko

"......" Hindi siya sumagot tulog na ata

"Tulog kana?"tanong ko padin

"....." Wala padin

"Ang daya m....." Di ko na natuloy ang dapat kong sabihin dahil bigla nalang niya akong niyakap hindi sa hindi ko gusto nabigla lang hahaha , ako dapat yayakap eh pero siya yumakap -.-"

"Thank you" sabi ko tapos pumikit nako

Mas komportable ako kasi malamig sa kwarto niya kahit na makapal tong kumot niya , iba parin talaga pag may kayakap ka tsaka ang bango talaga ni kuya OJ T.T , hayaan niyo nako pag gantong moment lang ako nakakahirit sa kanya pagsikat ng araw niyan aawayin nanaman niya ko tutuksuin , susungitan wala eh ganon siya at tanggap namin yon.




Kinabukasan


Pag gising ko wala na si kuya OJ pero narinig ko yung shower , kaya naliligo na siguro siya tinignan ko yung watch sa may malapit sa bed 7:30 am maaga pa mamayang 1 pa ang simula ng UDays pero dahil nakitulog nga lang ako kailangan kong umuwi kailangan ko ng damit .


At dahil nga sabi ko na sainyo masarap humiga sa kama ni kuya OJ eh hindi agad ako bumangon humiga lang muna ako , habang nakahiga ako narinig kong huminto ang shower mukhang tapos na siya tinaas ko ang kumot hanggang ulo ko pero naglagay ako ng siwang para sa konting part ng mukha ko , tinatanong niyo ba kung naninilip ako ? Hindi no! kailangan ng mukha ang butas para makasilip ay este makahinga

Hinitintay kong bumukas ang pinto dahil alam kong may lalabas na anghel maya maya , pero medyo matagal ah ? tapos ayon na slow motion ang pagbukas ng pinto tapos inuluwa niya ang isang fully dressed na si kuya OJ , sayang akala ko makikita ko ulit siyang nakatwalya -.-" , okay hindi po ako manyak no ? Marunong lang akong umappreciate ng likha ni Lord .


"Nilalamig ka?" Napansin niya ata ako

"Hindi" sabi ko , kasi sakto lang naman yung lamig ng aircon niya

"Kung hindi nanininilip ka?" Yon sabi niya ng walang kareareaksyon sa mukha habang pinapatuyo niya ng twalya ang buhok niya

"Asa!" Sabi ko tapos bumangon nako para maghilamos bago ako makapasok ng banyo nagsalita siya

Diary ng PangetWhere stories live. Discover now