Chapter 63

3.5K 84 89
                                    


"Miss..." Sabi nanaman and this time with a tap on my shoulder

Limingon lingon ako sa paligid ko para hanapin yung tumatawag sakin tapos yung lalaki sa gitna kanina na naka white naglalakad na siyang palayo

"Sandali!" Sigaw ko  pero parang hindi ako narinig dahil naglakad padin siya palayo

"Wait lang! Sino ka?!" Sigaw ko ulit this time naglakad nako para lapitan siya pero hindi ako makaalis dahil pinipigilan ako ng mga taong nakapaligid sakin

"Ano ba bitawan niyo ko" sabi ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak nila

Palayo ng palayo yung lalaki sakin tapos nakitang tinapon niya yung bouquet ng whiteroses anong nangyari? Ayaw ba niya itchura ko kaya umalis siya? Panget ba ko? Naguguluhan nako kasi siya yung nag set up nito tapos without even facing me aalis siya? At bakit ako pinipigilan ng mga taong to?

"Miss..." Ayan nanaman yung boses, naiinis nako

"Stop! I said let me go!" Pinaka sigaw ko talaga at pinagsisisihan ko yon dahil nakatingin ngayon sa akin ng lahat ng tao

"Miss are you okay?" Tanong nung babaeng nasa harap ko

Jeez why do I always have to embarrassed my self in front of everyone?!

"Yes, po I'm sorry" sabi ko I swear I want  the ground to open up right now and eat me 😭

"If tapos kana I think its best to pass your paper and go home" sabi niya sakin

"You were screaming and distracting your classmates, nagtetest padin sila now if you're only going to sleep magpass kana" sabi niya sakin with a fake smile.

I handed her my paper. Nilagay ko lahat ng gamit ko sa bag ko at umalis nako, hindi ko na kayang mag stay sa loob lalo after ng kahihiyang yon 😭 juice ko nakatingin sila sakin na para bang ang tanga ko, nakakatawa ako at kung ano ano pa. Ang nakakaiyak pa hindi lang mga classmate ko ang kasama ko sa room, merge kami ng ibang section ng hawak ng prof ko 😭 ibig sabihin maraming nakakita ng kahihiyan ko.

Madami ng tao sa hallway karamihan mga nagliligawan 🙄 sa hallway pa talaga? Mabilis yung lakad ko kasi ayoko yung mga nakikita ko 😒 yep bitter ako.

Nasa tapat ako ng elevator hinihintay ko hello nasa 6th floor ako katamad mag hagdan. Tapos pagbukas ng elevator same scenario mga babaeng may dalang bulaklak, bear at chocolates sus kung diko lang alam na maghihiwalay din sila! Walang forever! Sumakay nako ng elevator at siniksik ko talaga yung sarili ko tipong natatamaan yung bouquet nila.

"Miss wag mo naman paka siksik yung bulaklak" sabi nung babae

"Alam ko priority ang tao sa elevator ngayon kung ayaw mong mapipi yung bulaklak mo miss maghagdan ka" sabi ko

"Ano ba yan ang bitter, inggit ka siguro walang nagbigay ng bulaklak sayo!"

Diko na pinatulan masyado ng pagod utak ko.

Bumukas yung elev sa 4th floor maluwang pa sasakay sana yung dalawang couple na may dala nanaman bulaklak pero hinarangan ko

"Puno na mapipisak yang dala mong bulaklak kung ipagsisiksikan niyo pa sarili niyo" sabi ko sabay sara ng elevator

"Kaya wala sigurong nagbibigay ang sama sama ng ugali eh" sabi nanaman nung babae puro parinig

"Bagay sayo bulaklak te para kang bubuyog bulong ng bulong" sabi ko tapos bukas na yung elev sa ground floor ako unang lumabas at hinarap sila

"Walang forever!" Sigaw ko sa kanila sabay alis

Tinignan ko yung cellphone ko habang palabas ng campus baka nagtext mga kuya ko, pero wala padin. Baka hindi pa sila tapos mag exam.

Diary ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon