Chapter 47

18.1K 205 79
                                    

Humiwalay ako sa yakap at tinitigan ang mga mata niya


"Kuya Neil?"

Di naman siya sumagot tinignan lang niya ko sa mata


Tumigil ang kanta at napalitan ng tunog ng orasan , tunog pagpumapatak na ang alasdose .



"Ladies and Gentlemen let us all reveal our selves " yan sabi ng MC

Tapos ngumiti yung lalaking nasaharap ko at dahangdahang tinanggal ang maskarang suot niya


Kasabay ng pagbukas ng mga ilaw ay siyang pagtulo ulit ng mga luha ko ng makita ko kung sino siya , siya nga , siya nga ang Kuya Neil ko .




"Shhhhh baby tahan na" sabi niya



"Ikaw ba talaga yan kuya?" Paninigurado ko tapos hinawakan ko siya sa mukha para masigurado na totoo siya .




"Oo baby si Kuya Neil mo to kaya tumahan kana madami ng nakatingin satin oh" sabi niya tapos pinunasan niya ang luha ko gamit ang thumb niya .



Tapos don ko lang narealize na marami ngang tao ang nakatingin samin ngayon ay hindi , silang lahat nakatingin samin



"Are you okay?" Tanong ni Neil nasa tabi ko na pala siya



"Oo okay lang ako" sabi ko tapos nginitian ko siya para alam niyang okay lang talaga ako



Dahil meron naman kaming hiya eh umalis na muna kami sa gitna ng dancefloor at lumabas para mag-usap-usap kami



Ako si Kuya Neil at si Neil


"Okay ka lang ba talaga bat umiyak ka? May ginawa ba siya sayo?" Tanong ulit ni Neil tapos tinignan niya si Kuya Neil



"Oo okay lang ako , wala , wala siyang ginawa" sabi ko



"Bakit ka umiyak?" Tanong niya ulit




"Naalala mo yung kinuwento ko sayong mga kuya ko sa club? Siya ang kuya Neil ko" saad ko



"Ku..kuya ? Kuya mo siya?" Halatang nabigla siya sinabi ko



Tumango lang ako at ngumiti


"Ah sige maiwan ko na muna kayo , marami pa ata kayong pag-uusapan" di pa ako sumasagot umalis na si Neil iniwan niya kami dito ng kuya ko . Di ko masabi na parang nagbago si Neil dahil hindi ko pa siya ganon ka kilala pero iba yung kinilos niyang yon , kakausapin ko siya mamaya



"Pano ? Pano niyo nalaman na nandito ako ? Kailan pa ? Di ka na galit ? Okay na tayo? Sunod sunod na tanong ko


"Chill baby mamaya ko na sasagutin yan mag-ayos ka muna" utos niya pero nakangiti parin siya



"Makakapaghintay naman yung pag-aayos ko kuya , pero yung mga tanong ko hindi" sabi ko



"Hay naku , oo hindi na ko galit okay ? Ngayon gusto kong linisin muna natin yang mukha mo at mamaya pagkauwi na natin ko sasagutin ang mga tanong mo okay?" Sabi niya sakin ngumit nalang ako at tumango


Sinamahan niya ko sa ladies room ang kulet niya din kasi sabi ko kaya ko namang mag-isa pero di siya pumayag , chaka wala naman daw lalabas na guess dahil busy silang lahat sa loob kaya di nako umangal


"Bat kasi nagmake-up ka eh napakaiyakin mo tignan mo tuloy" reklamo niya habang pinupunasan ang mukha ko hinilamos ko na ang buong mukha ko pero meron pading natira

Diary ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon