CHAPTER 8

669K 17.2K 1.6K
                                    

CHAPTER 8

MABILIS na nagimpake ng damit si Lockett at inilagay sa back pack na dadalhin niya sa manila. Katatawag lang ng ina niya. Ikatlong beses na itong tumawag para ipaalala sa kanya isama si Creed sa anibersaryo ng mga ito.

She would love to bring him with her. Pero ang tanong, sasama ba ito?

Kailangan niyang gawin ang lahat para sumama ito sa kanya. Her mother's friends are already expecting Creed. Kapag wala siyang Creed Santillana na naipakilala sa mga ito, siguradong mapapahiya na naman ang pamilya niya. At hindi rin makakatulong ang pagdalo ng De Guzman Family sa anibersaryo ng mga magulang niya.

Bakit kaya inimbitahan ang mga iyon ni Mommy na pumunta? Nakakairita!

Ayaw na niyang mapahiyang muli. Ayaw na niyang pagtawanan ang mga magulang niya dahil sa ginawa niya. It would be the death of her mother if that humiliation happens again.

Napakalaki ng epekto ng kahihiyang sinapit nila noon sa pamilya niya at sa kanya. Isang rason iyon kung bakit palagi niyang sinusunod ang mommy niya pagdating sa pagba-blind date ng kung sino-sino. Pakiramdam kasi niya, kailangan niyang bumawi sa mga ito. Pero hindi pa nga siya nakakabawi, heto na naman ang isang kahihiyan at siya na namam ang dahilan niyon.

Humugot siya ng isang malalim na hininga at isinukbit ang bag sa balikat niya.

Pagkatapos i-lock ang penthouse, tinungo niya ang dock kung saan naroon ang speed boat na magdadala sa kaniya sa Santillana Port, Manila. Nagpaalam na siya kay Reece at Sandy na mawawala siya ng dalawang linggo. Pumayag naman ang mga ito basta may pasalubong siya pagbalik niya.

Isang oras ang lumipas, nasa Manila na siya. Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa High Tower Condominium.

Pagdating niya roon, malalaki ang hakbang na tinungo niya ang elevator at nagpahatid sa tenth floor. Abot-abot ang kaba na nararamdaman niya habang naglalakad patungo sa unit ni Red.  Nakasalalay sa sagot nito ang mangyayari sa anibersaryo ng mga magulang niya.

Kinakabahan na kumatok siya sa pintuan ng unit ni Red na katabi lang ng unit niya. Humugot siya ng isang malalim na hininga habang hinihintay na pagbuksan siya nito.

Then a moment later, the door opened showing a shirtless Red.

Napanganga siya sa kakisigan na taglay ng binata. Kung ang matitipuno nitong dibdib at ang abs nito ang mamumulatan niya araw-araw, para na rin siyang nginitian ng langit kapag nagkataon.

She heard him cleared his throat.

"Eyes up here, Lockett." May halong kapilyohan ang boses nito. "Stop eye-raping me. You're kind of molesting me, you know."

Nag-iinit ang pisngi na nag-iwas siya ng tingin. Shit!

"Anong kailangan mo?" He asked, after a minute of awkward silence.

Nilabanan niya ang hiya na nararamdaman at sinalubong ang tingin nito.

"I need you."

Confusion dawn on his face. "What do you mean by ‘I need you’? I mean," Sumandal ito sa hamba ng pintuan at mataman siyang tinitigan. "Do you need me in what manner? Monetary, emotionally or sexually?"

Napanganga siya rito ng marinig ang salitang sexually.

"Are you frigging serious? Sexually?!" She exhaled a long breath. "What makes you think that I need you sexually?"

Red shrugged. "You look stress out and you need a stress reliever."

"And sex is a stress reliever?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Creed's Lover (COMPLETED) - PUBLISHED under Precious Pages: LIB BARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon