BINIBINI, HINDI KA DAPAT UMIIYAK

20 0 0
                                    


Binibini, nais kong piliin mo ang iibigin mong ginoo.
Huwag kang magpadala sa mga mabulaklak nilang salita
Binibini, doon ka sa nakikita ang iyong halaga.

Madami kang manliligaw,
Huwag kang mabubulag sa isa
Bago ka pumili,
Siguraduhin mong nakilala mo lahat sila
Kasi binibini,
Mga lalaki ay mapanakit.

Hindi yan marunong makuntento
Nagsasawa yan kaagad
Yung dating hatid niyang kilig at saya
Maaring agad-agarang bumaliktad
Kaya binibini, pumili ka ng maayos.

Isa kang bituing hinahangad ng lima
Tapos ang hinigit mo,
Yung sasaktan ka lang pala?
Mali yun binibini,
Hindi ka dapat umiiyak.

Nararamdaman ng mundo ang iyong paghikbi,
Nasasaktan ang kalawakan.
Minsan ka ng umibig ng maling tao
Kaya ngayon, akala koy hindi mo na mararanasan.

Bumitaw ka sa taong dapat bitawan
Lalot di niya nakikita ang iyong halaga
Kasi ayaw kitang nasasaktan,
Binibini, marami dyaan
Lumingon ka naman.
Kung handa ka ng ulit pumili
Andito lang ako,
ISA SA DAPAT MONG PAGPILIAN.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now