NAKARAAN

15 2 0
                                    


Gusto kitang hawakan
Gusto kitang yakapin
Gusto kitang isayaw
Gusto kitang hagkan
Ngunit bumabalik ako sa katotohanan
Na kailanman,
Ako ay parte na lamang ng iyong nakaraan
Namimiss kita
Namimiss kong kasama ka
Namimiss kong katawanan ka
Kayakapan, kaiyakan, kasiyahan
At syempre namimiss ko ang ating pagmamahalan
Kaya naiisip ko, Bakit kaya?
Bakit kaya bigla na lang itong naglaho na parang bula?
Bakit kaya ako na lang ang natira?
Ang natitirang nagmamahal sa ating dalawa
bakit dumating ka pa kung aalis ka rin naman pala
Bakit hanggang ngayon mahal parin kita
Habang ikaw ay mayroon ng iba
Bakit bumitaw ka na lang bigla?
At bakit kaya ang dali para sayo
Na kalimutan na lang ako

Mahal,
Maaari bang liitan mo ang hakbang mo?
Hindi ka na kase mahabol ng mga paa ko
Di ka na mahawakan pa ng kamay ko
Di ko na maamoy pa ang pabango mo
Di ka na matanaw ng mga matang ito
At ngayon kumakapit na lamang ako
Sa pangako mong napako sa isip ko
Ang dahilan kung...
Bakit nakatali ako sa nakaraang ito

Mahal,
Dalawa tayong pumasok sa relasyon na ito
Pero bakit nagdesisyon kang mag-isa na humakabang papalayo
At iniwan na durog na durog na durog ang puso kong ito

Mahal,
Siguro tama ka
Dapat ko nang ipahinga ang aking mga paa
Na kanina pang tumatakbo sa nakaraan nating dalawa
Kaya eto na,
Titigil na,
Pipigilin na ang puso kong masaktan
Sa kwento ng ating nakaraan
Tatapusin na,
Ang pagluha ng aking mga mata
Mula sa pagiyak sa ating mga alaala
Ipapahinga na,
Ang utak na pilit umaalala sa nakaraan nating dalawa
Titigil na,
Susuko na,
Sapagkat alam ko na,
Eto na ang oras upang tapusin ang storya nating dalawa
Sapagkat ang lahat ng iyon ay NAKARAAN na talaga

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now