Chapter Thirteen

854 39 5
                                    

Daniel Joaquin POV:

Papauwi na ako ngayon, kahit labag sa kalooban ko. Syempre makikita ko yung walang kwenta kong ama.

"Manang Nandyan ba?" Alam na ni Manang kung anong ibig sabihin nun. Tumango lang si Manang, pumasok na ako sa bahay.... at nakita ko yung hari sa emperno na prenteng naka upo sa sofa. Ang sarap pakainin ng bomba.

"Buti nalang dumating kana. You miss me?" Sabi niya tapos ngumiti, halata sa ngiti niyang nang-aasar siya.

"Sino ka ba para ma miss ko!? You're not special in my Life!!" aakyat na sana ako para pumunta sa kwarto ng di ko na makita ang pag mumukha ng matandang to!

"JOAQUIN! ALAM KO YUNG MGA KAGAGOHAN MO SA PAARALAN NIYO. HINDI KA PA BA TALAGA NAG BABAGO! GAGO KA PARIN!" Sigaw niya sakin halatang galit na galit, I smirk secretly!

"MAY PAKI-ALAM KA PA PALA SAKIN? KAILAN PA? WOW HA! NAKAKAIN KA BA NG TAE?HA-HA" sabi ko gamit ang pang-aasar kong boses. haha! ewan ko nalang!

lumapit siya sakin the he punch me.

"SALAMAT HA. NGAYON KA NGA LANG NAG PARAMDAM GANYAN NA INASAL MO. BA'T KA PA BUMALIK? AKALA KO PATAY KA NA! NANG-GUGULO KA LANG DITO EH. KUNG AKO SAYO AALIS NA AKO!!!! WALA KANG KW----"

He punch me again.

"Danieeeel tama naa! Anak mo parin yan." Sigaw ni Manang Fe, pag si manang fe na ang nag salita, titigil na yan ang laki ng utang na loob niya kay manang. Kasi si Manang ang nag-alaga sakin. 

"Pag sabihan mo yang alaga mo!" Sigaw niya sabay alis. Pinunasan ko yung labi kong dumudugo at pilit ngumingiti sa kabila na nangyari.

Wala ng ibang ginawa yang matanda sakin kundi ang saktan ako. Sanay na ako sa mga kahayopan ng ama ko, kaya wala na akong kikatakotan.

"Halika gamutin kita." Nag-alalang sabi ni Manang

"Ako na po Manang, sige akyat na po ako."  Alam kong hindi yan papayag si manang kaya umakyat na ako, para di na siya makapag salita pa.

Gago talaga yang ama ko kahit kailan, hindi pa ba siya kontento sa pag iwan sakin? Talaga bang susuntukin niya pa ako. mamatay na sana siya. Naisip ko nga minsan eh paano kaya kung nandito pa si mama no, siguro hindi ganito ka miserable yung buhay ko. Tss

--

Kinabukasan..

papunta na ako sa paaralan ngayon. Alam kong hindi maganda tong gagawin ko para lang pasayahin yung sarili ko pero tangna! Wala na akong paki-alam!  wasak na wasak na ako.

Walang modo na kung walang modo pero damayan na'to..

Kathryn Ysabelle POV:

Maaga pa nandito na ako sa school,hinihintay ko nalang mag bell for the flag ceremony. Maya maya dadating na din si Lilay, nag text kasi sakin. Nag tataka ba kayo kung di kami sabay paminsan-minsan ni Lilay pumuntang paaralan, eh kasi naman alam niyo na may duty pa ako. Alam niyo naman na ang daming ka ek-ekan si Lilay,

*Krrrrrrriiiiiiiiiiiing

Sa wakas nag bell na rin, pumunta na akong field wala akong kasabay dahil maliban ka Lilay wala na akong iba pang kaibigan dito, wala pa kasi si Lilay. Paniguradong ma li-late naman yun.

Nag line na ako sa 4thyear section A. 

Nagsimula na yung Flag ceremony.

Prayer..

Lupang hinirang..

panatang makabayan..

almamater song..

Nung matapos na yung Flag ceremony, aalis na sana kami sa field ng biglang may nag salita sa bandang stage gumamit pa ng mic.

"Kyaaaaa! Si prince Joaquin ba yan?"

"Omoooo! Tayo na girls. mukhang may i-aanounce si Prince"

"Leeggoooooo"

"Ohmygosh. tara na gurl!"

"Belly. Hintay!" Lumingon ako ng tumawag si Lilay, buti naman at dumating na ang baklitang to.

"Ang tagal mo naman." Inip kong sabi

"you know me! tara mukhang may sasabihin si Prince Joaquin" No choice kaya pumunta na kami sa may Gymnasium at iba pa naming kaklase at ischoolmate.

"Good Morning everyone. Kilala niyo na ba ang PRINCESS FIONA NG ST.LOGUIBER UNIVERSITY?" Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Nag hiyawan nanaman ang mga estudyanteng nandito. dug dug dug! Lakas ng kabog ng dibdib ko. Hooo! Ano ba to.

"Sino Princeeee?"Sigaw ng karamihan. 

"Pwede ko ba munang ma anyayahan si Ms.Kathryn Ysabelle Bernardo na pumunta dito sa tabi ko.." A-AKO? BAKIT? O___o

"bakit siya pa?"

"Bakit siya pinapunta ni Prince sa tabi niya!?"

"For what? Ginayuma siguro yang Princve natin."

"Mangkukulam!!"

"Kathryn Ysabelle? Pleaasee." Sabi niya with his sweet voice, kaya ang daming na-iirita sa akin. Ako naman sobrang kinabahan, ano bang iniisip ng Daniel na to? TT^TT

"Belly go na. Baka mag tatapat na siya sayo. GOOO" Bulong ni Lilay sabay tulak sakin. 

Nandito na ako sa tabi ni Daniel. ngumiti muna siya ng nakakaloko bago mag salita ulit.

"Kailangan ko pa bang sabihin kung sino si PRINCESS FIONA NG SLU kung nandito na siya sa harapan niyo? HAHAHAH." Di ko inexpect na ganoon ang gagawin niya. 

Pinag tatawanan ako ng mga estudyanteng nasa harapan ko pati na rin si Daniel, Sinisigawan ako ng 'Princess Fiona'. Tinatapunan ng Crumpled Paper at kung ano-ano pa. Wala na akong ibang ginawa dito sa stage kundi ang umiyak, na freeze na ako dito parang ayaw gumana ng mga paa ko.

"Ohhh. Poor Princess Fiona..HAHAHAHA!" Sigaw ni Hershey at nag hiyawan silang lahat.

"Princess Fiona is crying. Poor little girl." 

"It's okay girl. Hahahah"

Isa-isa na silang umalis pati si Daniel, akala ko yun na yun, pero meron pa pala, may mga babaeng nasa harapan ko pati na rin yung mga chimay ni Hershey yung iba may dalang watergun at yung iba naman ay may dalang flour.

"PRINCESS FIONA FOR THE WINNNNNN...." Pag katapos nilang sumigaw isa-isa na nila akong binabaril at tinataponan ng Flour, basang basa na ako dahil sa pag baril nila sakin gamit yung water gun. Pag katapos nilang gawin yun sakin sabay-sabay silang tumakbo.

GANITO NALANG BA TALAGA ARAW-ARAW YUNG BUHAY KO? PAG T-TRIPAN, IPAPAHIYA, PAG TATAWANANAT IINSULTUHIN. Ano bang nagawa ko sa kanila bakit ang laki ng galkit nila sakin..

Napa yuko nalang ako dito sa stage habang umiiyak nag hihintay na may tumulong pero wala kahit isang anino wala akong nakita. Kahit anino ni Lilay di ko nakita. 

Porket ganito itsura ko pwede na nila akong api-apihin. Sige lang dadating din yung panahon na lahat na ng-api sakin ngayon luluhod sakin pag dating ng panahon. ISUSUMPA KO!

-------------

A/N: Sipag ko ngayon. xD Sipagan niyo rin mag vote at comment :))) 

Enjoy reading guys

From nerd to sossy (KathnielFanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon