Chapter One

2.5K 54 24
                                    

Kathryn Ysabelle POV:


"Hoy! bellyang, bilisan mo nga jan yung make up ko natutunaw na, expired panaman yung ginamit ko. Naubusan ako eh. Kaya no choice!" 
Paulit-ulit na sigaw ni Lilay sakin, habang ako nasa CR nag bibihis pa. Mamimili kasi kami ng school supplies para sa papalapit na pasokan.

"eto na po!" sabi ko tapos lumabas na ng CR.

"Gosh! Di ka pa nag bago. Owmygod! mag bihis ka nga. Ayokong mag mukha kang yaya sa mall no. Palit palit. chuchuchu!" Pagtataboy niya sakin. Ehhh? ano ba mang mali sa suot ko, isang white plane T-shirt tas black na saya yung mataas hanggang paa. Ang ganda ko nga sa suot ko.

"Perfect na kaya to... ah di pa pala yung eye glasses ko, paki-abot Lilay. Salamat!" sabi ko sa kanya, nangdidiri pang i-abot yung salamin ko, tong babaeng to ang linis kaya nitong salamin ko.

"Bakit ka pa nag sasalamin? Mag contact lens ka nalang, para di kana asarin na 'nerd'."

"Bahala na silang husgaan ako Lilay. Mas kilala ko yung sarili ko. alam mo naman yun! At isa pa hindi naman sa pang labas na anyo ang importante, yung sa loob ang MAS importante" Diniin ko talaga yung pagkasabi ko ng 'mas'. Napaka opposite namin ni Lilay, Napaka 'sossy' niya ako naman napaka 'nerdy' pero maganda naman kami ni Lilay. Atsaka mabait tong si Lilay.

"Ayan ka nanaman! Taralets na nga. Na hihilo ako sayo" Papunta na kami ngayon sa Mall nag commute lang kami, ganyan kami ka simple ni Lilay.

Habang papunta kami ngayon sa mall, magpakilala muna ako.

Ako nga pala si 'Kathryn Ysabelle Bernardo' Mag s-senior Highschool na sa dadating na pasokan, anak ako ng mommy at daddy ko. (Malamang) simply lang ang katangian ko pati na yung kasuotan ko, obvious naman sa suot ko ngayon diba? Nerd daw ako sabi nila, sige na nga i-cacareer ko na yung pagiging nerd ko. Yun naman talaga ako eh. Nerd kung tawagin maganda naman. Meron akong Kaisa-isang kaibigan yun ay si Lilay. Siya lang ang taong hindi ng lalait sakin, at ako lang yung taong di ng lalait sa kanya. Maganda yan si Lilay pero ewan ko ba kung bakit di nagagandahan yung iba sa kanya. Maarte si Lilay pero hindi yung maarte na medyo 'bitch', Maarte lang siya sa kanyang kasuotan yun bang gusto niyang always sexy siya. kaya napaka 'opposite' namin.


"Dito na tayo bess. Likana" Bumaba na kami ng jeep tapos dere-deretsong pumasok sa mall. ewan ko kung anong nakain ni Lilay pero ba't kanina pa niya ako hinihila para bang nag mamadali. Tss.

"Lilay naman dahan-daha-----"


PATAAAAAY!

"ay po pasensya na po, di ko po sinasadya, pasensya na po. Sorry talag sorry" Tuloy-tuloy na pag paumanhin ko. Eh kasi naman sa kakahila ni Lilay sakin may nabunggo akong lalaki tapos yung dala niya choko shake natapon sa damit niya, nako! kakatakot pa naman mukha niya.

"oy bes! ang pogi!" Bulong ni Lilay, hay nako si Lilay talaga napaka complicated na nga yung sitwasyon namin ngayon, may time pang lumandi.

"Tss! wag kasing tatanga-tanga! Tumingin nga kayo sa dinadaanan niyo." Sabi niya habang pinupunasan yung damit niya. Ang arte maka punas

"Sorry po talaga, bayaran ko nalang ho! pasensya na po talaga, Hindi ko sinasadya." Paulit-ulit na sabi ko, di ko na alam kung ano ang gagawin ko dito, gusto kong mag invisible. 

"Kahit i-benta mo pa sarili mo,di mo to mababayaran. Atsaka wag mo nga akong e-'po'-'po' mas matanda ka pa sakin no. Alis nga!" At ayun umalis na siya. Grabi naman, obvious maka panginuslto yung lalaking yun. Halata namang napapangitan siya sakin, ipapamukha pa ba.

"Ikaw kasi." sermun ko ni Lilay. di naman kami mag kaka bunggo kung di niya ako hinihila eh.

"Pero infairness ah pogi siya." Umakto pang kilig na kilig siya. Lilay talaga -.-

"Gwapo nga, ang sama naman ng ugali." Sabi ko tapos nag make face. Umuna na ako doon sa school supply ng Mall. tapos siya halos umisplit na sa kakahabol eh bakit nag h-heel pa eh.

"Pero agree kang pogi siya. Yie" Sabi niya tapos tinutusok-tusok yung tagiliran ko.

"Tumahimik ka nga. MAbuti pang magsimula na tayong mamili. Para maka uwi tayo agad."

Pumili na kami ng iba't ibang notebooks at iba pang kagamitan para sa school. Habang pumipili kami ng mga notebooks bukang bibig parin niya yung lalaking naka-bunggo namiin. hayy nako! Di ko rin naman siya masisisi kung na gwa-gwapohan siya dun sa lalaking yun eh masungit naman. Oo gwapo siya pero bawas points sa lalaki yung mga ganoong ugali. Diba? Pero teenagers nowadays kahit panget pa sa uranggutan yung ugali basta gwapo, keri na. HAyy nako. Kabataan ngayon!

"Serious ka na ba dun Belly sa paglilipat natin ng school? Kasi ako, Oks na oks talaga baka maraming gwapo doon. Edi Inspired ako everyday. Hashtag Excited much," Buti naman at napag isipan niyang mag change topic no.

"Oo final na talaga yun. KAsi nabasa ko rin sa catalog doon sa St.Loguibers University na mababait yung mga mag-aaral doon, eh baka doon na mapayapa yung buhay natin, yung walang panglalait na naririnig natin. Mga good samaritan daw yung mga tao doon. Diba? Baka dito na yung time na makakaranas na tayo na mapayapang buhay bilang estudyante." Sagot ko sa kanya. NAg pila na pala kami ngayon para makabayad na dito sa pinamili naming school supplies.

"NAko Belly ikaw na nga nag-sabi na 'Bahala na silang husgaan ako, Mas kilala ko ang sarili ko' deadma sila sa beauty ko, kahit puro chuchunganga yung naririnig ko atleast maraming boys doon na pogi. Atleast everyday happy si Lilay. Ayaw mo ba yun?" 

"Ang Drama mo talaga Lilay. KAhit kailan" 

Matapos naming mag bayad, napag desesyonan na namin na umalis na kahit ayaw pa ni Lilay kasi mag boboy hunt pa daw kami. Ano bang alam ko diyan, mas gusto ko pang mag basa ng libro kaysa mag bo-boy hunting! 

Excited ako na medyo kinakabahan sa bago naming school ni lilay. Every year na talaga kaming palipat-lipat, kaya parating cino-convince ni mommy yung mommy ni Lilay para samahan ako atleast may karamay ako sa school.  Ewan ko nalang kung wala si Lilay sa tabi ko. hayss!

-------------------------

Short update :) Short ba to? xD Sige Enjoy reading guys. Comment ang gustong mag pa dedicate :)

sorry ngayon lang naka pag-update masyado ko ba kayong pinag intay, wag sana kayong ma disappoint. :)))))))) Vote and Comment guys. 

wag kayong mag-alala mag uupdate ako as soon as possible. PROMISE :Dv

From nerd to sossy (KathnielFanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon