Chapter 7: Goal

108K 5.1K 4.2K
                                    

Chapter 7: Goal

"I hope you know what you're up to."

Tinutulungan ako ni Hera na balutin ang sugat na ginawa ko sa sarili kong palad. Wala akong maisagot sa sinabi niya. Ginawa ko 'yon dahil kailangan ko. If I didn't get the trust of the prince, I might die in this place.

"Ano ang alam mo sa pagiging sentry?" tanong ni Hera habang ginagamot parin ako. "Gumagamit ka ng magic. You must have known something about us."

Alam ko ang tungkol sa kanila. Magic is a known fact in this world, like being gifted or having a special skill or talent. Pero napakadalang din ng mga taong meron nito.

That's why magic users are priced commodities. Their services are valued more than any product of technology. Kaya pinagbibili ang kanilang serbisyo and wealthy people flock all over them like flea market. They go crazy trying to acquire such power. The more magic users under your service, the powerful you become.

Pumasok na ito ng ilang beses sa isip ko noon. I have magic and I could use it to gain something out of these people. Lalo noong pinaalis kami sa siyudad. I thought of selling my service to some rich family para hindi maghirap si Lolo at Lola.

Pero hindi pumayag si Lolo. He was so against it that he made me promise not to use my power for anyone but myself. He wanted me to have the freedom, but in the end, this is where I still ended. At the court of the most powerful family in the kingdom.

"Did you sell your power to them?" tanong ko kay Hera na nakapagpatigil sa kanya.

"You do know something," mahinahon niyang sabi. "May sarili akong rason."

"How about Khino?" muli kong tanong.

Umangat ang sulok ng labi niya. "Matagal na siya dito. He's from a family of sentry and he grew up with the prince."

That made sense. Sa lahat ng nandito, si Khino ay pinaka komportable sa pagiging sentry at pakikisalamuha sa prinsipe.

Nang matapos si Hera na balutan ng bandages ang palad ko, tumayo siya saka ako sinuri. Kumunot ang noo niya nang makita ang hindi pantay na pagkakagupit ng buhok ko. Hinila niya ang drawer sa ilalim ng mga lagayan ng gamot at kinuha ng gunting.

"Papantayin ko lang," sabi niya nang mag-alinlangan ako. Maingat niyang ginupit ang dulo ng buhok ko mula sa likod. "We work for the prince so we have an image to uphold."

Nang matapos siya, pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin mula sa cabinet na puno ng iba pang pang-gamot. Hinawakan ko ang pantay na dulo ng buhok ko na sumasayad sa aking balikat.

"You acted bravely earlier pero kanina pa nanginginig ang mga kamay mo."

Bumaba ang tingin ko sa palad at mga daliri kong nanginginig. I was stupid to think na makakaalis ako sa lugar na ito kung may mga taong tulad ni Hera at Khino na nagsisilbi dito. I could die here in a heartbeat if anyone wants me to.

"l won't ask the reason why you came in this place in your own accord," said Hera. "But the goal of the prince is now your goal. Whatever he sets his mind into, we're here to help him execute it."

"I don't think he sets his mind on good things."

Pinigilan ni Hera na ngumiti. "The second prince may look like a brat, but he's a good leader."

Linigpit niya ang mga gamit sa kwarto. "Kapag gumaling ka na, magsisimula na ang training mo. So take as much rest as you need. Kapag nagsimula na ang training, hindi ka na maaaring umatras. The prince's safety is now your priority."

Sabay kaming lumabas mula sa infirmary. Sinamahan niya ako sa magiging kwarto ko habang nandito ako sa Wicked Hall. Ang lumang mansion ay maraming kwarto, but most of them were locked or vacant.

The Wicked CrownWhere stories live. Discover now