Chapter 3: The Heist

48.4K 4.3K 993
                                    

Chapter 3: The Heist

Sa mga sumunod na araw, wala akong ginawa kundi ang kabisaduhin ang mapa na binigay ni Demetre. I wanted the operation to be as smooth as possible, even if my nerves were killing me.

Panay din ang paalala niya tungkol sa mga bantay, sa mga nangyayari tuwing may pagtitipon, sa maaari kong asahan sa ilang oras na pagtapak ko sa Night Court. The place must be too regal, too overwhelming for my commoner blood.

"Hindi mo kilala ang ruler family?"

Demetre's face almost melted in frustration. Sa ilang araw kong nakasama siya, ilang beses niyang sinabi na tumatanda siya ng ilang taon dahil sa frustration na dala ko.

"Paano kapag may nakasalubong kang isa sa kanila? Alam mo ba kung ano ang gagawin sa harapan nila?"

Nagkibit-balikat ako. Tulad ng mga nakaraang araw, nasa loob kami ng pub. He's cleaning the counter habang naka-upo ako sa stool at may kagat na mansanas.

Napahawak siya sa kanyang sintido. "Kapag ikaw nagkamali ng galaw sa harapan nila, kahit wala kang ginagawang masama, kahit nandoon ka para magsilbi, maaaring manganib ang buhay mo. That's common knowledge, Andy."

Well, I guess I have no common knowledge. Para sa'kin hindi sila importante. I've never seen them. They've never been down here in the city.

Yes, they are the ruler family of the Kingdom of Nightcrest. They sit on high, mighty thrones. The royal blood of this world runs through their veins, under their pampered skin, probably as white as snow and as smooth as silk. But they are nothing to me.

"Hindi ako makikisalamuha sa kanila."

"Dapat lang!" Demetre exclaimed. "Ni wala tayong karapatang huminga malapit sa kanila."

Demetre wasn't exaggerating. We all hear tales about them, stories about the ruler family. Ang mga tagasilbi, gwardiya o tulad ni Demetre na nakakapasok sa palasyo ang tanging nakakaalam ng mundo sa loob ng Night Court.

Bago ang gabi ng pagdiriwang, bumalik ako sa bahay ni Miss Poppy para kumustahin si Lola. Madalas natutulog lang siya, pero noong araw na 'yon, nakaupo siya sa kama.

Lumapit ako pero nanatili siyang nakatulala. Hindi na siya gaanong nakakakita. Hindi na niya ako masyadong nakikilala. Inalis ko ang bandana sa ulo ko at nalaglag ang mahaba kong buhok.

Bumaling sa'kin si Lola. "Aurora..."

Ito ang dahilan kung bakit kahit gustuhin kong gupitan ang buhok ko upang walang sagabal sa trabaho ko at hindi ko kailangang matakot na makita nila akong ganito, hindi ko magawa. Dahil doon ako nakikilala ni Lola, doon niya ako naaaninag.

Hinawakan ko ang kamay niya at umupo sa tabi niya sa kama. I had to admit, Miss Poppy has been taking good care of her. Mabilis ang paggaling ng mga sugat niya.

Kung tutuusin pwede na kaming umalis. Pwede na akong tumakas. But I wouldn't dare. I know I couldn't. I might be a thief, a criminal. Pero hindi ako umaatras sa salita ko.

"Aalis ka?" tanong ni Lola matapos kong sabihin na baka hindi kami magkikita sa mga susunod na araw.

Marahang hinawakan ni Lola ang mukha ko gamit ang kanyang kulubot na kamay. Tumango ako at ngumiti saka siya mahigpit na niyakap. "Babalik ako," pangako ko. "Ingatan niyo ang sarili niyo habang wala ako."

Hinawi ni Lola ang mahaba kong buhok. "Napakaganda mo, apo ko."

I smiled halfheartedly. Muli kong inipit ang buhok ko at mahigpit na tinali ang bandana. Hindi ko masabi. Hindi ko masabi na balak kong pumuslit sa Night Court. Sa mundong malayo sa tulad namin, sa mundong kinatatakutan naming tapakan.

The Wicked CrownWhere stories live. Discover now