Chapter 6: The Wicked Hall

63.9K 4.4K 2.1K
                                    

Chapter 6: The Wicked Hall

He was staring at me. I have no clue what's running inside his head. Bigla akong bumagsak sa sahig dahil sa panghihina, pero hindi pa ako tapos makipag-usap kaya pinilit kong humawak sa rehas para itayo ang sarili ko.

He lowered his gaze down and I might look stupid and pathetic in his eyes pero wala akong pakialam. Kung hindi niya ako matutulungan, I wouldn't have any other choice in this place.

Ngumiti siya but it wasn't a kind smile. It was the expression you would expect for someone without compassion. Hindi siya naaawa sa'kin. There was nothing in his eyes that tells me so. For him I was just someone who pricked his interest.

"Such a commoner thing to sacrifice one's safety over someone else."

He turned away, ending the conversation. Naging attentive muli ang mga kasama niya nang paalis na sila sa harapan ko. Pero hindi ako pumayag. Nilabas ko ang kamay ko sa rehas, inabot ang cape na suot ng prinsipe, at hinila.

Tumigil siya sa paghakbang. The guards of the dungeon nearly crushed my hands when they pulled it away. "Ano'ng ginagawa mo? Ang criminal na tulad mo ay walang karapatan na hawakan ang prinsipe!"

Tinulak nila ako at natumba ako pabalik sa sahig. "Kailangan ko ng sagot," sabi ko habang pilit tumatayo. "Iligtas mo ang kaibigan ko..."

Fresh blood trickled from the side of my head due to the rough push of the guards. Pero nakatingin ako nang deretso sa mga mata ng prinsipe.

"You need to train your patience, village mouse," mahinahon niyang sinabi. "... if you want to be part of my hall."

Muli silang umalis, pero sa pagkakataong ito hindi ko sila pinigilan.

--

Nagising ako nang maramdaman na bumukas ang pinto ng aking selda. Inaninag ko kung sino ang pumasok but my eyes were hazy and strained.

Dumeretso siya sa harapan ko. Akala ko muli akong sasaktan tulad ng ginawa ng mga gwardiya kanina pag-alis prinsipe. Pero nawala ang bigat sa kamay ko nang alisin niya ang kadena at maingay itong bumagsak sa sahig.

Inalalayan niya akong tumayo. "Gising ka ba?" Boses ito ng babae na ngayon ko lang narinig.

Hindi ko magawang sumagot. Inalalayan niya ako hanggang makalabas kami sa selda. Nasa gilid ang mga gwardiya pero pinagmasdan lang nila kami.

"Isa ako sa nagtatrabaho para sa pangalawang prinsipe. Naririnig mo ba ako?"

Nagpalit na ng shift ang mga gwardya. Ibig sabihin umaga na. Ang araw ng paglilitis kay Demetre. The fact made me a bit awake and aware. But my body remained weak and trembling.

"Si Demetre..."

"Nasa Night Court ang prinsipe at si Khino para ayusin ang sitwasyon ng kaibigan mo."

Marahan niyang sinampal ang mukha ko nang muli akong pumikit. "Gumising ka. Hindi ito ang tamang oras para matulog," mariin niyang sinabi.

But the fact that Demetre could be safe was the only thing I wanted to hear.

--

Nagising ako nang maramdaman ang matinding hapdi sa ulo ko. Someone was cleaning the wounds on my head with a smelly ointment. Pagbukas ng mga mata ko, nakita kong muli ang babaeng naglabas sa'kin sa selda.

Nakaupo siya sa silya sa tabi ng kama kung saan ako nakahiga. Sa tabi niya ay ang mesa kung saan nakalagay ang ilang mga panggamot. She's silent. Mahaba ang itim niyang buhok na nakabraids at nakalaylay sa kanyang balikat.

Sinubukan kong umupo sa kama pero tinulak niya ako pabalik sa pagkakahiga. "'Wag kang magalaw kapag ginagamot kita."

In my half conscious state, the only thing that could instantly register to me was her voice. Stern. Calm. Malayo sa boses ko na basag at matagal ng hindi nakakainom ng malinis na tubig.

The Wicked CrownWhere stories live. Discover now