Nakakaiyak [Scene 09]

6K 130 11
                                    

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.


Ang Seatmate Kong Manhid

Written by: iHeartCMU

All Rights Reserved | 2012

***




Chapter 9


"Aine, meet Liann. Girlfriend ko."


Ano raw?


"Ahh Lorainne, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."


Girlfriend?


"Pare, hiramin ko lang si Lorraine ha? Sige."


Tatlong linggo. Tatlong linggo ko siya madalang nalang makita. Si Liann ba ang dahilan kung bakit lagi siyang wala? Siya ba ang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw?


"Teka –"


Ang bilis naman sagutin ni Liann si Gian. Tatlong linggo palang pero sila na. Siguro nga, mahal nila ang isa't-isa. At ako? Wala. Etchapwera.


"Teka, san mo ba ako dadalhin Mark?"


Kasi naman, hanggang ngayon hinihila pa rin ako ni Mark sa kung saan. Di ko naman alam kung saan kami papunta.


"Sa lugar nating dalawa."


"Ha?"


"Iyak na." sabi niya nung huminto na kami.


ROOFTOP. Oo nga naman. Ito ang lugar naming dalawa. Dito namin nilalabas ang lahat ng mga nararamdaman namin. Syempre, tambayan to ng mga emo. Halos lahat naman ata ng mga tao sa rooftop nag-eemo. Kasi dito, malaya ka. At walang tao.


"Ayoko." Sagot ko sa kanya. "Bakit naman ako iiyak?"


"Ako lang to Lorraine." Sabi niya sabay hawak sa balikat ko. "Kaya di mo kailangang magpanggap."


"Ano ka ba. Di ako iiyak. Wala namang dahilan para umiyak ako."


"Ano bang dapat kong gawin sayo Lorraine? Di mo kailangang pigilan ang sarili mo."


"Pero –"


Niyakap na niya ako. Dahil dun, di ko na napigilan ang sarili ko. Napahagulgol na lamang ako sa iyak dahil di ko na kayang magpanggap na okay ako. Masakit. Napakasakit.

Ang Seatmate Kong ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon