Nakakaiyak [Scene 06]

6.5K 139 19
                                    

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.


Ang Seatmate Kong Manhid

Written by: iHeartCMU

All Rights Reserved | 2012

***




Chapter 6


"I'll make you fall in love with me, Lorraine."


"I'll make you fall in love with me, Lorraine."


"I'll make you fall in love with me, Lorraine."


Pagkatapos sabihin ni Mark yun, umalis na rin siya. Iniwan niya akong di halos makapag-salita sa rooftop. 


Eh kasi naman, di ko alam kung ano ang ire-react ko. Masyado akong nagulat sa sinabi niya. Alam ko naman na gusto niya ako pero di ko akalain na gagawin niya talaga ang lahat, mahalin ko lang siya.


"Oh Lorraine, anak, andito ka na pala." Bati sakin ni Mama pagkapasok ko palang ng bahay.


"Hi ma." Nagmano ako sa kanya. "Tulungan ko na po kayo."


"Huwag na. Tawagin mo nalang ang Kuya Lawrence mo."


"Ehh? Nandito na si Kuya?"


"Oo, ang aga nga eh. Ewan ko ba dun."


Si Kuya Lawrence ang pinakamatanda sa aming magkakapatid. Laging wala si Kuya sa bahay at madalas umuuwi siya ng masyadong gabi na. May business daw kasi siya. Ehhh? Business ba ang paghahanap ng taong pwedeng pagbentahan? Hahaha. Ewan, natatawa nalang ako sa Kuya ko.


"Kuya, halika na raw." Sabi ko sa may pintuan niya. "Nakahain na ang pagkain."


"Sige na, mauna ka na. Susunod na ako."


"Eh? Ano bang ginagawa mo diyan ha? Siguro may milagro kang ginagawa diyan noh? Hala ka! Isusumbong kita kina Mama at Papa!"


"Sira! Kausap ko si Lester!" sigaw niya.


"Si Kuya Lester? Ako rin, paka-usap sa kanya."


Si Kuya Lester ay kapatid ko rin. Nag-aaral siya sa Maynila ng kursong HRM. Ewan ko ba dun. Ke lalaking tao, nag-HRM. Di naman siya bakla. Trip niya lang daw talaga. Sus, if I know, nag-HRM yun dahil yun din ang kurso ng girlfriend niya. Ayaw niyang mahiwalay eh. Over-protecive boyfriend. Tsk.

Ang Seatmate Kong ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon