Nakakaiyak [Scene 08]

6.3K 128 33
                                    

Dedicated nga pala ang chapter na ito kay charberry143. Hello! Eto na ang dedication ko for you. Sorry kung medyo natagalan. Sana magustuhan mo ang update ko. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.


Ang Seatmate Kong Manhid

Written by: iHeartCMU

All Rights Reserved | 2012

***




Chapter 8


"Good moooooooorrrrnniiiinnnnngggg!" Sigaw bigla ng isang boses.


Ano ba naman yan. Ang aga-aga, sumisigaw na agad. Di ba niya maintindihan na nakakabulabog siya ng iba? Bwiset naman tong taong to. Wala sigurong magawa sa buhay tong kumag na to. Wa-


"Gian?"


Eh kasi naman. Gulat talaga ako. Di naman kasi ganyan si Gian eh. Tahimik lang yan. Minsan pa nga nagpapaka-emo. Pero akalain mo, siya pala yung sumigaw? Ehhhh.


"Hi Aine!" Bati niya sakin.


"Ahh, hi?" Bati ko na halatang nagtataka sa kinikilos niya.


"Good morning!" Bati niya sakin.


"Ahhh, malapit na magtanghali Gian."


"Talaga? Akala ko umaga pa." Nakangiti niyang sabi.


Oh-kay. Ang weird niya. Ano bang nangyari? Nanalo kaya to sa lotto?


"Ang saya mo yata ah? Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.


"Wala, si Ate kasi, uuwi na naman daw siya bukas."


Ahh, kaya pala masaya siya. Dahil pala sa Ate niya. Close kasi sila eh. Sa sobrang close nila, parang kambal na nga yang dalawang yan.


"Oh, talaga? Pakisabi, yung pasalubong ko ha?!"


"Yoko nga. Akin lahat pasalubong ni Ate!"


"Takaw mo oi! Parang tumataba ka, eh di naman."


Tiningnan niya ako ng masama. Haha! Pikon na naman to panigurado. Ang pikon talaga nitong si Yan-Yan.

Ang Seatmate Kong ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon