B2: Chapter 7

8.4K 234 57
                                    

Tanghali na pero hindi padin lumilitaw sa paningin ni Karylle si Vice. Sinubukan nyang sumilip sa opisina nito ngunit wala syang nakitang anino ni Vice. Tiniis nyang wag itong tawagan at naghintay na lamang kung si Vice mismo ang tatawag sakanya.

Another set of photoshoot at nagaganap ngayon sa rooftop. Dahil wala pa si Vice, si Karylle na ang nag-asikaso dito. Kasalukuyan syang nakaupo sa gilid at nakatitig sa wallpaper ng phone nya. Masayang larawan nilang pamilya. Si Cassy ang may naggu-groufie habang nakahalik naman sa pisngi nya si Vice. Hindi nya namamalayan na napapangiti na pala sya habang napinagmamasdan ang larawan.

"Uy girl!."

Bigla syang napalingon kay Anne na katabi na pala nya.

"Bakit?"

"Mukhang walang balak lumitaw yung Bakla mo ha.. Anong oras na oh."

"Hayaan mo sya, baka late lang."

Nakita naman nila si Francis na nakatayo sa gilid ng photographer.

"Kuya, ayusin mo ang pagkuha ha... Baka malagot tayo kay Madam Vice pagbalik nya next week." -Francis

Napakunot noo si Karylle nang marinig si Francis sabay lingon kay Anne.

"Next week?... Bakit? Saan sya nagpunta?" kunot noong tanong nya kay Anne.

"Malay ko... Hindi naman sya nagsabi sakin." kibit-balikat na sagot ni Anne.

"Hala ka girl!... Baka nagalit sayo si Vice.. Dahil sa pagbanggit mo kay Dingdong kahapon." dagdag pa nya.

Agad nilapitan ni Karylle si Francis.

"Francis!... Nasan si Vice?"

"Ay K, hindi ba sya nagsabi sayo?.. Nagleave sya ng 1 week.. Magbabakasyon muna daw sya."

"What?!... Magbabakasyon sya ng hindi nagpapaalam sakin?!." bulalas ni Karylle.

"Mam K, kalma lang... Pero seryoso, di talaga sya nagpaalam sayo?" -Francis

"Kung nagpaalam sya sakin, sa tingin mo magtatanong ako sayo?" -Karylle

"My point ka." -Francis

"Saan daw sya magbabakasyon?" -Karylle

"Sa rest house daw ng Papabol nyang pinsan sa Baguio.. Tsaka may kasama sya eh." -Francis

"Sino?!" -Karylle

"Sdsggjjjhhffhkkjhk." bulong ni Francis. (Hindi ko din naintindihan)

Nanlaki naman ang mata ni Karylle sa binulong ni Francis.

"Anne, come with me." -Karylle

"Saan?" -Anne

"Let's go to Bagiuo." -Karylle

"Hah?.. Bakit?!" -Anne

"Susunduin na natin yung ASAWA KO." -Karylle

.

.

.

Kasalukuyang nasa garden ng resthouse ngayon si Vice. Nakaupo sya sa gilid ng pond habang nagpapakain ng mga isdang alaga nila Vhong.

"Hey, what you doing?" tanong babaeng nasa likuran nya.

"Namimingwit ng isda, keri?" pabaklang sagot ni Vice.

"Ikaw talaga, wala kang pinagbago.. Baklang bakla ka padin." natatawang sambit ng babae. Umupo na ito sa tabi ni Vice.

"Ikaw din naman.. Wala kang pinagbago, poging pogi ka padin sakin kahit ganito kakapal ang make-up ko." sagot naman ni Vice.

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon