Epilogue

12.5K 326 53
                                    

Karylle's POV

We celebrate our Christmas with our little angel. Sa bahay na kami naghanda kasama sila Anne at Vhong at ang mga bakla. Hindi na natuloy ang out of town namin dahil sa panganganak ko. Hindi pa pala natatapos ang goodnews sa panganganak ko dahil sa pag-announce nila Anne at Vhong na ikakasal na sila next month.

Masaya naman naming nairaos ang pasko at new year. Nakakatuwa dahil tatlo na ulit kami dito sa bahay. Naging maalaga si Vice kay Baby Jasper. Kahit pagod sya sa trabaho ay hindi nya itong nakakalimutang puntahan sa baby's room para silipin kahit tulog na ito. Minsan pa ay kinukuha nya ito para ilipat sa kwarto naming mag-asawa. Gusto nya daw makatabing matulog ang anak namin. Sa sobrang pagkaaliw ni Vice sa pag-aalaga kay Jasper ay nagseselos na ko. Hindi na nya kasi ako napapansin minsan kaya nilalambing ko sya kapag tulog na si Jasper.

= = = =

5 months ang mabilis na lumipas. Kasal na sila Anne at Vhong at masayang nagsasama sa munti nilang tahanan na katabi lang ng bahay namin. Mas gusto daw nilang malapit sa amin para si Anne daw muna mag-aalaga kay Jasper kapag nasa work kami ni Vice.

Isang araw na hindi pumasok si Vice para alagaan si Jasper. Sya daw muna ang tatayong inang yaya ng anak namin. Natawa naman ako sa inang yaya nya. Bakla padin talaga ang asawa ko.

Pag-uwi ko naman ng gabi ay naabutan ko si Vice sa kwarto namin na natutulog katabi si Jasper. Parehong pareho pa ang position ng dalawa. Masasabi mo talagang mag-ama nga sila. Pero mas natawa ako nang makita ko ang suot ng asawa ko. Pink short shorts, spaghetti sando at may headband pa sa ulo. Girl na girl ang bakla ko. Agad kong kinuha ang phone ko para kuhanan ng picture ang mag-ama ko. I love my life.

= = = =

Dahil medyo matagal nadin mula noong huling nagdate kami ni Vice, nagpasya kaming magdinner date. Pero sa bahay nila Vhong at Anne. Double date ang ganap. Sila Vhong at Vice ang nagset-up ng romantic date para sa amin ni Anne. Naiwan muna sa mga bakla si Jasper sa bahay namin.

"Girl! Ang sweet ng asawa natin no?" kinikilig na sambit ni Anne sakin. Natawa naman ako.

"Oo.. Ienjoy nalang natin itong romantic date kuno nila.. Pero mukhang mas sasaya sila sa regalo natin sakanila." sabi ko. Mas lalo namang kinilig si Anne.

Maya maya pa ay lumabas na ang mga asawa namin mula sa kusina dala ang pagkain na niluto nila.

"Babe, pagpasensyahan mo na yung niluto namin.. Si Vice kasi eh." sabi ni Vhong kay Anne.

"Anong ako?.. Ikaw nagluto nyan.." irap naman ni Vice.

"Tama na yan.. Let's eat nalang." saway ko.

Nagkatinginan pa kami ni Anne bago tikman ang pagkain na niluto ng mga asawa namin. Alam naman naming hindi marunong magluto 'tong dalawa.

Sabay kaming sumubo ni Anne. Muli kaming nagkatinginan at natahimik.

"Waaaaakkkkkk!!!!"

Sabay kaming tumakbo ni Anne papunta sa cr. Masarap naman yung luto nila Vhong at Vice pero bigla lang talaga akong naduwal. Sumabay pa si Anne.

Agad namang sumunod sila Vhong at Vice.

"Sabi ko sayo Brad... Pangit yung lasa ng niluto mo!" sabi ni Vhong kay Vice. Nabatukan naman sya ng asawa ko.

"Wag mo kong idamay!.. Ikaw nagluto nun!" pabaklang singhal pa ni Vice.

Matapos naming maduwal ni Anne ay niyaya namin ang mga asawa namin para bumalik sa table.

"Guys, masarap naman yung luto nyo.. Wag na kayong mag-away." sambit ni Anne.

"Eh bakit nyo niluwa?.. Ang aarte na ng mga asawa natin Brad.. Iwanan na natin sila.. Maghanap na tayo ng----- Aray!!!" nakatikim ng pingot ko si Vice. Ang daldal ng baklang 'to!

"Guys ano kasi eh... Uhm." panimula ni Anne.

"Ano?" sabay na tanong nila Vhong at Vice.

"We're pregnant!" sabay namang sagot namin ni Anne.

Yes, buntis nanaman ako. Wala pang isang taon si Baby Jasper. Pero okay lang kasi sabay silang lalaki ng bagong baby namin ni Vice. Sana girl ulit this time. Wala eh, mapusok si Bakla.

=Wakas=

Salamat sa pagsubaybay kila Simang at Bakla.
Love you guys! ^__^

#SimBa
#TBATB

The Beauty and The BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon