Chapter 3

16.9K 367 6
                                    


Andrade?

Apelyido niya kaya 'yon o pangalan?

Napabuga ako ng hangin at muling pinindot ang delete button ng laptop ko.

Kanina ko pa tina-type sa search box ng facebook ang pangalang Andrade pero agad ko rin binubura. Ewan ko ba.  Parang kinakabahan kasi ako.

Huminga ako ng malalim. Ano na ba kasi ang nangyayari sakin?

Isinara ko na lang ang laptop ko at humiga na sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame na may mga stars na nakadikit doon.

Stars. Napangiti ako ng makita ko ang imahe ng lalaking nakita ko kanina.

He's really cute. No scratch that. He's the only handsome and hot man that I've ever met. At mas guwapo siya kay RJ.

Iyong tipong makita mo lang siya o makasalubong ay mapapatulala ka sa kanya.

Ang gwapo niya at first time ko lang ma-experience ito. Ganito pala ang feeling makakita ng guwapo bukod sa mga kapatid ko. Nakakatuwa pala.

Muli akong napatayo sa aking hinihigaan at umupo sa tapat ng laptop ko. Binuksan ko itong muli at muling tinype ang pangalan na Andrade.

Ito na. Totoo na talaga ito. Ise-search ko na siya at wala ng atrasan ito.

Huminga muna ako ng malalim at pikit matang pinindot ang search button. Ilang sandali pa ay iba't-ibang larawan ang bumungad sa akin. Nag-scroll ako at bawat nababasa ko ay napapabuntong hininga ako.

Heaven Andrade
Lee Andrade
Andrade Kim
Jan Andrade

Alin dito? Bakit kasi maraming Andrade sa mundo?

Nag-scroll-scroll pa ako hanggang sa mapahinto ako at mapadako ang tingin ko sa isang pangalan.

Lawrence Andrade.

Nanginginig ang kamay kong itinapat ang mouse arrow sa picture nito.

Bakit ba ako biglang kinabahan?

Nang mabuksan ko ang larawan at makita ang kabuuan nito ay napatulala ako at wala sa sariling napaawang ang bibig ko.

The picture of the guy in front of me is as handsome as the man who's currently running on mt mind. Ang golden brown nitong buhok at mga mata even his pointed nose na tila tumatak na sa isipin ko. Pati na rin ang labi nitong tila nang-aakit. Naka-side view siya sa picture at nakangiti but, hindi ako puwedeng magkamali. Alam kong siya ito dahil ramdam ko.

So his name is Lawrence Andrade.

I'll keep that in mind,

She wears high heels
I wear sneakers
She's cheer captain and
I'm on the bleachers
Dreaming about the day
when you wake up and find
that what you're
looking for has been here the whole time

Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa aking mukha. Ininom ko ang bottled water na nasa lamesa bago muling kunin ang mop sa may timba.

Kasalukuyan akong naglilinis ng apartment na nakuha ko yesterday. Mabuti na nga lang at hindi ako nahirapan. Ngayon ako naglilinis dahil gabi na ng makita ko ito, kaya ipinagbukas ko na lang.

Mabuti na rin at malaki kahit papaano itong inuupahan ko at ako lang ang nakatira. Ayoko kasi ng may kasama.

Mabuti na lang din at nilalagyan ng laman nina Mr. Allegre at Mrs. Sandoval ang ATM ko. Akala ko kasi ay tuluyan na nila akong pababayaan. I prefer to call them that dahil hindi naman nila ako inalagaan ever ince.

'What now Harlene?Reminiscing the past again?' Pagsuway ko sa sarili ko at napagdesiyunan na bumalik nalang sa paglilinis.

Oh, can't you see that
I'm the one who understands you
been here all alone
so why can't you see~
you belong with me~
you belong with me~ "

I washed out all my thoughts at pilit na pinasaya ang aking sarili. Pakanta-kanta pa ko at pasayaw-sayaw habang patuloy sa pagma-mop. Hindi ko talaga expected na magagamit ko ang kaalaman ko sa mga household chores. Mabuti na lang at tinuruan ako.

"Oh, I remember you
driving to my car in the
middle of the night
I'm the one who makes you laugh
when you are about to cry

I know you're favorite songs
and you tell me 'bout your dreams
think I know where we belong
think I know it's hurting me~

Malakas ang pagpapatugtog ko ng kanta ni Taylor Swift mula sa Ipod ko. Ako lang naman kasi mag-isa. At isa pa, inspired ako.

Napaginipan ko kasi si Lawrence or L ang itatawag ko sa kanya para hindi halata. Ang dami kongnalaman about sa kanya such as his favorite food,  colors and hobbies. Nalaman ko rin kung saan siya nag-aaral kaya bukas ay pupunta ako doon at mag-eenrooll.

Ang guwapo-guwapo niya talaga. Nasa desktop ko na nga yung picture niya eh. Wallpaper ng laptop ko.

"Can't you see that
I'm the one who understands you
been here all alone
oh, why can't you see~
You belong with me~
Have you ever thought just--"

Napatigil ako sa pagkanta ng makarinig ako ng malakas at marahas na pagkatok mula sa pintuan nitong apartment ko. Nakakunot-noo kong tumungo doon at pinanuod ang pintuan na gumagalaw dahil sa lakas ng force ng pagkakakatok.

"Sino kaya ito?" takhang bulong ko. Wala pa naman akong kilala dito kaya nakakapagtaka. Saka iyong lanlady pa lang ang nakakausap ko.

Hinawakan ko ang seradura at dahan-dahan itong pinihit ng mapapitlag ako dahil bigla itong bumukas. At halos malaglag ang panga ko ng mabungaran kung sino ang kumakatok.

Siya. Siya iyong lalaki sa desktop ko. Iyong lalaking nakita ko sa waiting shed.

Si L! Si Lawrence myloves n-nasa harapan ko and wearing only a towel?

Kumurap-kurap ako at itinaas ang kaliwa kong kamay para hawakan ang braso niya.

Is he for real? Parang..parang kagabi lang ay iniisip ko lang siya. Is he really for real?

Pinisil-pisil ko iyon at agad akong natauhan nang makita ko na parang napapaso siyang lumayo.

"What the hell miss?! I know that I am hot pero hindi ako basta-basta nagpapahawak dahil ako dapat ang unang manghahawak." narinig kong wika nito.

Napakurap muli ako at pinagmasdan siya. Mukha naman siyang kakagising lang kaya bakit siya naka-towel?

"And can you pease lower down the volume of that freaking speaker or kung anuman ang pinapatugtog mo? Nakakaistorbo ka and stop drooling over me." anito pa at agad na tumalikod.

Napapitlag ako ng marinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Hinawakan ko ang gilid ng labi ko para makita kung may tumulo. Thank God, wala.

Dahan-dahan ko ng isinara ang pintuan at pinatay ang ipod ko. Tahimik akong umupo sa sofa at tumitig sa dingding.

Napapabuntong-hininga ako kapag nag-fa-flash back sa akin ang nangyari kanina.

Ginawa ko ba talaga iyon?

Bakit kasi nakakatulala ang kaguwapuhan niya? And his amn abs. May ganun si RJ pero ang perfect ng sa kanya! Para siyang sculpture na nabuhay mula sa museum.

Umiling-iling ako at muling napabuga ng hangin.

Mygod! Nakakahiya ang ginawa ko kanina! Baka maturn-off siya sa akin,  hindi kaya? Paano na ang susunod naming pagkikita?

Casanova's Endgame (Completed)Where stories live. Discover now