Prologue

35.9K 481 6
                                    

Tahimik akong nakaupo sa tabi ng bintana habang pinagmamasdan ang bawat patak ng ulan. Buti pa ang ulan, malayang bumubuhos sa kahit saang parte ng daigdig. Kung kailan nila nais bumuhos, walang pipigil sa kanila. Parang hangin, malayang natin na nararamdaman kahit saan.

Sana pati ako ay malaya rin.

Napangiti ako ng pilit sa mga naiisip ko. Bata pa lamang ako ay ganito na ang nararanasan ko, bakit ba hindi ako masanay-sanay? Huminga ako ng malalim.

Muli kong itinuon ang atensyon ko sa ulan at dahan-dahan kong inilabas ang kamay ko mula sa bintana para maramdaman ang bawat patak nito. Muli akong napangiti, this time may saya na akong nararamdaman habang pumapatak ang tubig ulan sa palad ko. Mas masaya siguro kapag naligo ako sa ilalim ng ulan. Mas masaya siguro kung marararamdaman ko ang bawat patak nito sa buong katawan ko.

Bigla kong binawi ang kamay ko mula sa labas at agad pinahid ang palad ko sa aking kumot ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko, iniluwa nun ang seryosong mukha ng kapatid ko. Si RJ Allegre.

"Pinapatawag ka ni papa sa office niya..." Wika nito sabay alis.

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo, naglakad ako palabas sa kwarto papunta sa office ni daddy.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pinihit ang seradura ng pinto ng office ni daddy.

Kinakabahan ako.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang alam ko ay pinatawag lang sa office ni daddy kapag may serysoso o mahalagang sasabihin. Isa din sa dahilan ay kapag may kasalanan na ginawa ang isang parte ng pamilya namin.

Ito din ang unang beses na pumunta ako dito kaya hindi ko alam kung bakit.

Nang mabuksan ko ang pinto ay tumambad sakin ang seryosong mukha nila daddy at mommy na kapwa nakatingin sa akin. Nakaupo sila sa receiving area na magkatabi. Nakita ko din ang dalawang tao na nakaupo sa harapan nila. Isang babae ito na sa tingin ko ay ka-edad ni mommy at lalaki na halos ka-edad din ni daddy. And i think they're couple.

"Good evening po..." Magalang na bati ko sa kanila. Nakita ko na tumango ang mga bisita ni daddy.

"Maupo ka, Harlene Nicole." Narinig kong sabi ni daddy kaya umupo ako sa may single na sofa. Sa gitna namin ay may glass table sa right ko ay 'yong couple na bisita ni dad at nasa left naman sila ni mommy.

Ano kaya ang pag-uusapan namin?

Narinig ko ang pagtikhim ni daddy kaya natuon ang atensyon ko sa kanya. Nakita ko ang paghawak ni mommy sa kamay niya kaya mas lalo akong kinabahan. Bigla ay nakaramdam ako ng tensyon.

"Anak, meet your bioligical mother, Heather Reyes Sandoval..." Dinig kong wika ni daddy habang seryoso na nakatingin sa akin, tapos ay bumaling siya doon sa ginang na nasa harapan niya.

Nakita ko ang pag-ngiti ng ginang kay daddy tapos ay bumaling ito sa akin ng nakangiti rin.

Natigilan ako ng biglang mag-sink in sa akin ang lahat.

Biological mother?

Siya ang nanay ko at hindi si mommy Reina?

Hindi ang mommy namin ni RJ ang mommy ko kung hindi ang babaeng ito na si Heather Reyes Sandoval daw?

"H-how?" Abg tangi kong nasambit. I couldn't find the right word. Gusto kong magtanong. Marami akong gustong sabihin but i just can't.  Gulong-gulong ako sa mga nangyayari.

"Your biologocal mother and i have done a mistake seventeen years ago, ikaw ang naging bunga kaya---"

"I'm just a mistake?!" Hindi ko na pinatapos pa si daddy sa anuman na sasabihin niya dahil ayaw ko 'tong marinig. Basta ang naiintindihan ko sa pag-uusap na ito ay isa akong malaking pagkakamali.

Casanova's Endgame (Completed)Where stories live. Discover now