Chapter 2

19K 340 11
                                    

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago muling sumulyap sa bahay na kinalakihan ko para sa huling pagkakataon.

I am now going to leave this place for good. Iyan ang pangako ko sa sarili ko. Even if this is hard for me at ramdam ko ang bigat ng kalooban ko ay gagawin ko.  It's for my own good. For me to leave peacefully. To.be free and alone.

Isang sulyap pa bago ko buksan ang taxi na nakahinto sa harapan ko. And when I entered and locked the door from my side, saka ako napabuga ng hangin at nag-unahan na sa pagtulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

“Saan po tayo, ma'am?" narinig kong tanong ng taxi driver. I first composed myself bago sumagot.

"Sa bus terminal, please." tugon ko, hindi na muling umimik ang driver kaya humarap nalang ako sa bintana at pinagmasdan ang mga dinadaanan namin.

I am gonna leave this city and never come back.

PALINGA-LINGA ako habang patuloy sa paglalakad. I am now here at the Bus Terminal pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong sakyan.

Saan nga ba ako pupunta?

Napabuntong hininga akong tumigil sa paglalakad at pinagmasdan ang mga taong panaog sa isang bus. Medyo may karamihan ngayon ang tao dito dala narin siguro sa nalalapit na occasion. It's 37 days to go before christmas.

Nag-umpisa na akong muli maglakad patungo sa isang bus na kaunti lang ang may sakay. Napagdesisyunan kong dito nalang para hindi na ako maka-experience ng pagsisiksikan ayon narin sa nakita ko kanina.

As I climb into the bus, pinatigil ako saglit ng driver or I should I say 'yung parang assistant ng driver para maghulog sa maliit na vendo something doon. He told me the amount so kumuha ako sa wallet ko at hinulog doon, seconds later ay may lumabas na ticket and my changed. Kinuha ko iyon at muling naglakad at umupo sa left side sa tabi ng bintana. Tumayo muli ako para ilagay ang baggage ko sa ulunan ng bus pagkuwa'y muling umupo.

I can feel the cold breeze inside this bus. Idagdag pa ang panahon at ang oras. Madilim pa rin kasi sa kalangitan hanggang ngayon kahit na kasalukuyan na kaming bumabiyahe pa kung saan. It's still five in the morning I guess.

Kinuha ko ang earphones ko mula sa aking bag at ikinabit sa aking phone saka inilagay sa aking tainga. Nang marinig ko na ang instrumento ng musika ay biglang napapikit ako.

-
"Daddy! Look, i got a perfect score. Ang sabi ng tutor ko ay mabilis na raw ako magbasa and magaling na akong magcount." masayang sabi ng batang babae at patalon-talon pang lumapit sa Ginoo.

"Get the hell out of here, Harlene Nicole! I'm busy!" natigilan saglit ang batang babae, pagkuwa'y dahan-dahan ibinaba ang papel na hawak niya. Nakayuko siyang lumabas ng silid at naglakad patungo sa library kung saan andun ang tutor niya. Nagpaalam kasi siyang ipapakita lang sa Daddy niya ang test paper niya.

Sa kanyang paglalakad ay hindi niya napansin na nakasalubong niya ang kanyang ina. Napahinto siya ng lumuhod ito sa harapan niya.

"Is something the matter, baby?" tanong nito habang hinahaplos ang mahaba at bagsak na itim nitong buhok.

"Mom, what is hell?" inosenteng tanong nito. Nagulat ang Ginang sa tanong ng bata sakanya kaya natigilan siya.

"Dad just told me that I shoul get the hell out of his office dahil busy siya. So, what is hell, Mom?" pangungulit na tanong ng bata.

Napabuntong-hininga ang Ginang pagkuwa'y tumayo. "It's a bad word baby, don't ever mention that again. Alright?" anito at pinabalik na ang bata sa tutor nito.
-

Casanova's Endgame (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon