Kabanata 4

607 37 37
                                    

Kabanata 4

Maitim na Balak

ITO ang tunay na heaven! Matagumpay na sigaw ng isipan niya habang nilalasap ang labi ni Sinta nang muli na naman siya nitong hinalikan. Totoong-totoo na 'to. Hindi lang 'to isang panaginip.

"Take me with you, please."

Napakurap si Koa nang magsalitang muli ang artista. Kahit nagkakagulo na sa paligid ay wala na siyang ibang nakikita kundi si Jade Paris Ballar lang.

Muli siyang napakurap, hindi na nag-isip at walang anu-ano'y binuhat ang artista saka pinangko padapa sa kanang balikat niya habang nakaharap sa likod niya.

Nyemas! Ito ang tunay na tinatawag na palay na ang lumalapit sa manok. Wala nang patumpik-tumpik pa. Aasawahin ko na si Sinta.

Walang naging pakealam si Koa sa sa mga kumukuha ng Video; hindi niya rin inintindi ang sa tingin niya'y manager ni Laureana na sumisigaw na.

Nang malapit na sa exit ay tinanguhan niya lang ang bouncer dahil naka-thumbs up ito sa kanya. Alam naman kasi ng mga ito na baliw na baliw siya sa artista.

"W-where are you taking me?"

Nagkukumahog pababa na tanong ni Jade Paris matapos niya itong dalhin sa medyo tagong lugar. Sa takot na baka masugatan ni Koa ang balat ng artista ay maingat niya itong nilapag sa sahig.

"Itatanan na kita," nakangising aniya saka pinasadahan ng tingin ang artista. Hindi niya mapigilan pero nagiging green talaga ang utak niya ngayon. Ibig sabihin lang kasi kapag nagsama na sila sa iisang bubong, magkakatabi sila sa kama at may posibilidad na may mangyari-

"Excuse me?"

Natigil ang malaswang iniisip ni Koa nang marinig ang kakaibang tono ng boses ni Sinta. Kung kanina ay napaka-lambing nito, ngayon naman ay tila nandidiri sa kanya.

"Did you really believe na talagang makikipagtanan ako sa 'yo? What the hell are you thinking?"

Nangunot ang noo ni Koa. Tila hindi si Sinta ang kaharap niya. Ibang-iba ang ugali nito sa pinakita sa kanya sa harap ng madaming tao.

Tumalikod si Jade Paris at nagmartsa paalis. Hinabol iyon ni Sinio at hinawakan sa kamay.

"God! Don't touch me!" Piglas nito saka pinanlisikan siya ng mata.

"N-nakakasakit ka na. A-ano? Pinaasa mo lang ako? Hindi talaga tayo magtatanan?" tila batang ani Koa habang nasa tapat ng kanyang dibdib ang kanang kamay.

Umirap ang artista. "My goodness, uto-uto ka pala. What do you expect? I am an actress, so that was just an act. Palabas lang iyon para hindi ako masapawan ng iba!"

Natulala na lamang si Koa sa likod ng artistang papalayo sa kanya.

Ganyan pala ang ugali mo, Sinta.

***

"CONGRATS Brat. Nasa sa 'yo na ulit ang atensyon ng mga tao," sarkastikong saad ni Chin-Chin, ang pinsan ni Jade Paris. Nasa kamay nito ang cellphone na kanina pa ini-scroll ang mga videong kumalat kaninang hapon sa mall.

"I told you. Hindi ako masasapawan ng kasikatan ng Grettang 'yan."

Si Gretta ang isa sa mga aktres na galing sa kabilang istasyon na kapi-pirma pa lamang sa istasyong kinabibilangan niya, pero ang dami na ng project na natanggap.

Kaya pinlano niyang gumawa ng eksena sa mall show kung saan siya ang magiging bida at pag-uusapan ng mga tao. Nagkataon namang may isang 'hot' pero medyo baliw na lalakeng pwede niyang maging target.

Mister Fanboy, Itanan Mo Ako Pakiusap!Where stories live. Discover now