Chapter 54: Obssession,Love.

194K 4.8K 2.5K
                                    

SHORT UPDATE!

Chapter 54: Obssession,Love.



Yuki's POV



"ANOOO BAA-UNGGOY?" gulat na tanong ko. Bakit ba kasi andito to? Bakit nasa harapan ko siya? Anong ginagawa niya dito?

"Hi!" nakangiting bati niya.

"A-anong ginagawa mo d-dito?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang ito at tumingin sa dagat. napaWOW ako ng Makita ko ang view. Ang ganda,lalo na ngayon ay palubog ang araw. Nakakarelax tignan,parang ang peaceful. Hindi katulad ng nararamdaman ko at pagiisip ko.

"A-ano nga ang ginagawa mo-ginagawa ko dito?" tanong ko ng marealize ko na hindi ito ang nnatatandaan kong lugar bago ako nakatulog. Eh? Paano nga ba ako nakatulog? Nung magkayap kami ni Ej? Oh shit! Nakakahiya kung ganun. >.<

"Ewan. Nakita na lang kita diyan na natutulog." Sabi niya.

"Eh?" dito? Baka dinala ako ni Ej dito?

"P-paano.. paano ako napunta dito?" mahinang tanong ko sa sarili ko.

"Ewan. Baka nagsleepwalk ka-Aaah!" hinampas ko siya sa braso. Bwiset!!!

"Nanghahampas ka diyan!" sigaw niya.

"Ikaw kasi e!!" sisi ko sa kanya.

"Kapag ako hinampas kita-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"ANO?" paghahamon ko sa kanya.

"Kapag ako hinampas kita with love sabay kiss." Ngumisi naman ito na parang aso. Aish!

Inirapan ko na lang siya at tumayo na. as usual wala na naman mapupuntahan tong usapan naming. "Aalis na ako-"

"Wait. May sasabihin sana ako." Mahinang sabi niya na ikinahinto ko.

Humarap ako sa kanya. Ano naman kaya ang sasabihin niya? Sa mukha niya,mukhang importante at seryoso kaya sige bibigyan ko siya ng pagkakataon.

"Kung ano mang sasabihin mo,pakibilisan-"

"Yumiko.."

"Eh?"

"Wala ka bang naaalala?" tumingin ito sa akin. Nagtatakang tinignan nama ako sa kanya.

"Naaalala? Saan?" kinagat ko ang ibaba ng labi ko,unti-unti kasing bumibilis ang tibok ng puso ko. Sasabihin na ba niya ang nakaraan? Pero... bakit ngayon?

"Paano.. paano kung.. ugh. Hindi ko alam kung paano ko ba ito sasabihin. Ang hirap." Napayuko siya.

"I don't know how to say this or even where to start.." sabi niya. Ako din naman siguro mahihirapan kung nasa situasyon niya ako,pero mas mahirap ang situasyon ko,dahil kailangan ko mamili.

Siguro eto na ang tamang oras para tapusin na ang lahat.

Tapusin Ang kung anong meron sa amin.

Sabihin na kung sino ang pipiliin ko.

Siguro ito na ang tamang oras para tapusin ang paghihirap ko-namin. Para makapagmove on na kaming lahat.

Bumalik ako at umupo uli kung saan ako nakaupo kanina. Humnga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.

"Tyler.." mahinang tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm?"

Tumingin ako sa kanya at sinubukang ngumiti.

Fall In Love Once AgainWhere stories live. Discover now