Chapter 61: Reply

80.1K 2.1K 858
                                    

SHORT UPDATE! Hahaha. Lagi naman.

Chapter 61: Reply

Umuwi na kami agad pagkatapos namin manood ng movie ni Dustin. Siya bumalik si school para sunduin si Hanakk at ako naman umuwi na agad.

Pagpasok ko sa bahay nakasalubong ko yung  yaya ni Yohan. Hindi ko pa siya nakakausap o nakilala sa personal. Ngayon ko nga lang ata siya nameet sa personal. Binabanggit lang siya sa akin ni Hana at Yohan lagi. Ewan ko ba bakit hindi kami nagkakasalubong at ngayon lang. Siguro these past few days at school at kwarto at kusina lang ako. Lalabas lang ng kwarto kapag papasok ng school at kakain.

"Hi Maam!" Bati niya sa akin.

"Hello." Ningitian ko siya.

"Ma'am kumain na po kayo?" Tanong niya.

Yaya siya ni Yohan. Babysitter lang kumbaga. Hindi naman yaya namin.

"Wag mo na akong i-maam. Parang magkalapit lang naman ata ang age natin. Taaka hindi ka naman sa akin nagtatrabaho." Sabi ko.

"Ano na lang itatawag ko sainyo?" Tanong niya.

"Yuki na lang. Ikaw ba?"

"Po?" Medyo naguguluhan na tanong niya.

"Ikaw ba? Anong name mo?"

"Ahh. Hehehe. Patricia. Patricia Geacaniga."

Kailangan bang full name talaga? Hahaha.

"Nice meeting you,Patricia." Nakangiting sabi ko.

"Ano-haha-nice meeting you din. Medyo kinakabahan ako kasi ngayon lang kita nakausap."

"Hahaha. Hindi naman ako nangangain no. Sige tataas na ako." Paalam ko sa kanya.

**

Pagpasok ko sa kwarto ko humiga ako kaagad at kinuha ang phone ko. 

Nagpadapa ako at tinignan uli ang text.

"I miss you." Mahinang basa ko.

Sino kaya to?

Rereplyan ko ba? Ano naman irereply ko! Aish.

Tumayo ako at mabilis na nagbihis ng pambahay. Pagkabihis ko,umupo ako sa harap ng computer ko at inopen yun.

Pagkaopen,kaagad akong pumunta sa google.com. Isisearch ko lang ang country code ng US at Paris.

"What.." *type*

"Is.." *type*

"The.." *type*

"Country.." *type*

"Code.." *type*

"For-" napahinto ako sa pagtype ng tumunog ang phone ko. May nagtext.

Chineck ko kung sino.

From: Unregistered Number

"BAKA GUSTO MONG MAGREPLY!?"

Napakunot ako sa nabasa ko.

Okay.

Mukhang hindi ko na kailangan isearch kung sino to. -___-

Inihagis ko sa kama yung phone ko. Psssh.

Kahit kailan talaga napakabossy niya!

"Baka gusto mong magreply-anyeyeye." Panggagaya ko.

Masama kong tinignan yung phone ko na nasa bed. Napakagat ako ng labi ng unti-unti ngumingiti ang  labi ko. Problema nito at ayaw makisama?

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon