Chapter 58: Break Up

167K 3.7K 236
                                    

FINALLY,NATAPOS KO NA ANG EYESHIELD21! WOOOOOH! <3  WALA BA YUNG SEASON 2? NASA MANGA LANG BA TALAGA YUNG CONTINUATION NIYA? TT___TT

SHORT UPDATE! MEHEHEHE.  

Chapter 58:  Break Up.

Third person’s POV

“Ano ginagawa mo dito?” tanong ni EJ kay Yuki. Halata naman kay Yuki na nasasaktan ito sa pagiging cold niya dahil hindi ito sanay. Sanay itong sweet at mabait sa kanya,pero ngayon napakacold niya sa kanya. Yung mata niya na puno ng pagmamahal at  sincere kapag tumitingin si Ej kay Yuki na ngayon walang kabuhay-buhay.    

“ Mag-usap naman tayo oh.” Pakiusap ni Yuki kay Ej. Mukha na din siyang maiiyak sa trato sa kanya nito.

“Umalis kana.” Sabi ni Ej at tinalikuran niya si Yuki. Mahirap sa din sa part ni Ej ang tratuhin niya ng ganito si Yuki.

Nakabukas pa rin ang pinto kaya pumasok si Yuki sa room ni Ej.

“Please.. hayaan mo naman ako magexplain..” hindi na mapigilan ni Yuki ang luha niya at tumulo na ang mga ito.

“Please Yuki,umalis kana.” Sabi niya habang nakatalikod pa rin kay Yuki. Ayaw niyang humarap dito,kasi alam niyang kapag humarap ito sa kanya baka magbago na naman ang isip niya at yakapin ito ng mahigpit at sabihin na ok lang ang lahat na willing uli itong magpakatanga at masaktan basta kasama niya lang ito.

“Hindi ba pwedeng pag-usapan natin to?” tanong ni Yuki.

“Ej naman..”

“Ngayon ka pa ba susuko?”

 “OK lang na magalit ka sa akin. No,please magalit ka sa akin. Tatanggapin ko lahat ng sasabihin mo. Ok lang sa akin kahit sabihan mo ako ng masasamang salita. Ok lang… ok lang.. maiintindihan ko.. lahat tatanggapin ko. basta at the end magkaayos tayo.” Umiiyak na sabi ni Yuki.

Pinipigilan pa rin ni Ej na harapin si Yuki. Kung nasasaktan ngayon si Yuki,doble naman ang nararamdaman ni Ej. Simula nakilala niya si Yuki,siya lang ang minahal niya.

“Humarap ka naman sa akin at kausapin ako,please.” Nakikiusap na sabi ni Yuki na konti lang lumuhod na ito kay Ej.

“Yuki..”

“Pwede ba akong..h-humingi ng favor?”  tanong ni Ej.

“Kahit ano..” sabi ni Yuki kahit naguguluhan at kinakabahan ito sa hihingin niyang favor.

“Pwede bang.. Hayaan mong.. ako ang makipagbreak sayo?” napanganga si Yuki sa hinihingin favor ni Ej.

“E-Ej naman..”

“Please?”

“N-No—“

“Sorry.. im breaking up with you.” Sambit ni Ej habang pinipigilan niyang hindi maiyak.

Lumapit si Yuki kay Ej at hinawakan niya ang braso ni Ej.

“Wag mo naman gawin to Ej. Mahal kita—“ humarap si Ej kay Yuki.

Ej’s POV

Lakas loob kong hinarap si Yuki,pero iniiwasan kong tignan ang mga mata niya.

“Pero mas mahal mo siya. Yun ang masakit Yuki. Yung kahit nakalimutan mo na siya,siya pa rin. Kahit ginawa ko ang lahat,ang best ko.. siya pa rin. Kahit anong masamang gawin niya sayo,siya pa rin.”   Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko.

“Oo,mahal mo nga ako Yuki,gusto kong lumundag sa tuwa dahil mahal mo na ako. After all I did,napansin mo na yung feelings ko. Hindi mo alam kung  gaano ako kasaya. Pero hindi ko maiwasan na isipin na andiyan si Tyler.. na mas lamang.. na mas mahal mo.”

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon