Blog Post #1: Commenter

276K 3.7K 822
                                    

Blog Post #1: Commenter

 

            “MALUSAW naman si Jonathan kakatitig mo.”

            Hinawi ko ang kamay ni Sky na humarang sa mukha ko. “Huwag ka nga, Sky. Ito lang ang chance ko ngayong araw na makita siya, 'no!”

            Nakasunod ang mga mata ko sa bawat galaw na ginagawa ni Jonathan. Walang galaw na hindi ko nakikita. Kailangan detalyado kong makikita ang lahat. Kahit na ang mabilis na pagkurap ng mga mata niya ay nakikita ko. Tila ba kasi nag-slow motion siya tuwing pinapanood ko.

            “Ano ba kasi ang mayroon sa Jonathan na 'yan?” tanong ni Sky.

            “Guwapo siya, ikaw hindi. Matangkad siya, medyo matangkad ka lang. Moreno siya, maputi ka. Wala siyang tigyawat, ikaw mayroon,” sagot ko sa kanya.

            “Seryoso? Kailangan talaga sa akin ikumpara? Iiwan na kita d’yan, may klase pa ako.”

            Tinanguan ko lang siya at inangat ko ang kanang kamay ko na para bang sinesenyasan siya ng ‘Sige, umalis ka na. Bye!’. Kahit mabilis na sulyap ay hindi ko nagawang ibigay kay Sky dahil akupado ang mga mata ko sa panonood kay Jonathan. Maiinis lang naman 'yan si Sky sandali, pero kaunting lambing ko lang d’yan ay ayos na ulit kami.

            “May klase ka rin.”

            Hinatak niya ang bag pack ko na nakasabit sa likuran ko pataas para maitayo niya ako sa pagkakaupo ko. Hindi ko pa rin inalis ang tingin ko kay Jonathan kahit kinakaladkad na ako ni Sky papunta sa klase ko.

            Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Sky kaya umayos na ako nang tayo at paglalakad. Naglakad ako nang medyo mabilis para malampasan ko siya at saka patalikod akong naglakad. Magkaharapan na kami. Ngumiti ako sa kanya. Umiwas lang siya nang tingin.

            “Sorry na, sumobra na naman ako,” hingi ko nang paumanhin at saka nag-puppy eyes sa kanya. “Patawarin mo na ako, please? Promise sa susunod, 15 minutes ko na lang siya titingnan,” sabi ko sabay angat pa ng kanang kamay ko tanda ng pangako ko.

            Inismiran niya lang ako at saka nilagpasan. Sumobra na naman ba ako? Wala pa naman yatang 30 minutes 'yung ginawa kong panonood kay Jonathan, e? Tiningnan ko 'yung relos ko. 3:12 pa lang naman pala.

            “Hala! Kaya pala naiinis si Sky, three minutes na lang hindi na kami papapasukin sa klase namin!” sigaw ko. “Shit! Sky, saglit! Hintayin mo ako!”

            HINDI ako makapagsalita dahil sa sama nang tingin sa akin ni Sky. Hindi kami umabot sa klase namin. Sarado na ang pinto nang makarating kami sa classroom.

            “Sa susunod nga huwag mo na akong isasama sa pang-stalk mo kay Jonathan, lagi na lang ako nadadamay sa iyo, e. Tingnan mo ngayon, hindi ako naka-attend sa klase natin! Tss,” inis na sabi niya.

Blog Post #143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon