Mahal na yata kita.

371K 6K 771
                                    

Blog Post #143: Mahal na yata kita.

Dear Commenter,

This is an open message for you.

Hindi ko alam kung bakit mo pina-follow itong walang kuwenta kong blog at kung bakit bawat post ko ay nagko-comment ka. 'Yung totoo? Ano'ng mayroon dito sa blog ko at lagi kang nakatambay dito?

Sa totoo lang hindi ko in-expect na may magpa-follow sa blog ko na ito. Una sa lahat, hindi naman ako sikat na tao. Hindi ako gumagamit ng tags para hindi ako mahanap ng mga tao. Hindi ko rin naman ipino-post kung saan-saan ang link nitong blog ko para hindi nila makita. Dahil ayaw kong mabasa nila ang kung ano mang pino-post ko dito.

Paano mo ba natunton itong blog ko?

Sino ka ba talaga?

Kilala ba kita? Kilala mo ba ako?

Bakit parang ang dami mong alam tungkol sa akin?

Sagutin mo nga ako. Bakit ako nagkakaganito? Bakit parang matagal na tayong magkakilala? Sa bawat comment mo pakiramdam ko ay alam na alam mo ang tinutukoy ko sa blog ko. Stalker ka ba?

Gulong-gulo na ang utak ko dahil sa iyo, Commenter. Dahil sa pagko-comment mo lalong nangangati ang utak ko sa kagustuhang makilala ka. Malaman kung sino ka talaga. Kung hihilingin ko bang magpakilala ka sa akin, magpapakilala ka?

Araw-araw hinihintay ko ang pag-comment mo. Araw-araw tuloy akong nag-iisip nang maaari kong i-post para lang makita ko ang paglitaw ng username mo sa notification ko. 'Yon lang, napapangiti mo ako. Oo, alam ko hindi na ako normal. Hindi naman kita sinisisi, pero parang ikaw rin naman talaga ang may kasalanan nito dahil kung hindi mo pinansin 'tong blog ko hindi ako masasanay na lagi kang magko-comment.

Naiintindihan mo ba 'tong pinagta-type ko? Nababaliw na yata ako. Maiintindihan ko kung ang tingin mo sa akin ay baliw. Hay.

Nami-miss ko na ang comment mo. Sana mag-comment ka na ulit. Kapag nagko-comment ka kasi nararamdaman ko ang pagtibok ng puso ko. Nakakaramdam ako nang saya.

Bakit kahit hindi pa kita kilala ay pakiramdam ko ay in love na ako sa iyo?

Mahal na yata kita. Posible ba 'to?

Naleletse nang dahil sa iyo,

Ms. Secret No Clue

Blog Post #143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon