Why Book 2 is not possible

5.8K 92 15
                                    

Hello! Okay. Let's make this clear. Since medyo madami ang nagre-request for Book 2. Para sa akin, okay na ang story. Sapat na. Sakto na. I keep asking myself, bakit kayo naghahanap ng book 2? So, naisip ko, I should say it kung bakit hindi ko gustong gawan ng book 2 and kung bakit gusto kong ganito na lang.

1. Kapag may book 2, hindi na p'wedeng umikot sa Blog nila. Mawawala na ang title na Blog Post.
1.1. Bakit hindi na p'wedeng umikot sa blog nila? Kasi alam na ni CK na si Commenter si Sky (although, slow lang talaga siya kaya 'di n'ya nalaman kagad). Lahat ng ipo-post nila malalaman kagad nila, so, ano ilalagay ko doon? Ipo-post nila sa blog nila ang magiging pag-aaway nila? That's very wrong.

2. Ibang title ang ibigay. Nope. Ayaw ko. Parang hindi na kasi siya magiging related sa Blog Post, e. Yes, it's still about them pero Blog Post kasi ay umikot sa blogs nila. Malaki ang naging part ng blogs nila sa story.

3. Ano ang mangyayari sa book 2? Buhay mag-girlfriend-boyfriend nila. Away rito. Struggle dito. Selos dito. Ganern. Hindi talaga ako fan ng mga ganiyan. Huhuhu. Parang ginagamit na lang kasi 'yan just to make the story long. Tapos nagiging redundant ang story. I just want it simple. As in simple. Building up ng characters. Own conflict nila. Resolution. Happy ending. Ganiyan lang. walang ibang echos just to make it long. Simple at light lang.

4. All my stories are intertwined kung mababasa n'yo ang iba (including the on-going) makikita n'yo ang bawat character ko sa bawat story. They are all there. Makakakuha kayo ng glimpse sa kung ano na nangyayari sa kanila kahit nasa ibang story na. Isa rin 'to sa reason kung bakit hindi ako nagbu-book 2 kahit sa ibang stories ko.

5. Please stop demanding for book 2. Kapag ito lumabas na sa market (kung maisipan man ng publisher) they have the right to ask somebody else to write the book 2 you are requesting. Iba na ang gagawa no'n. Hindi na ako. I don't want that to happen. So, please, I'm begging. Stop asking for book 2.

Thank you so much! Maraming maraming salamat sa mga nagbabasa pa nito at paulit-ulit na nagbabasa. Thank you! <3

Blog Post #143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon