Chapter 7

150 6 2
                                    

Chapter 7

"Oh Rina! Aga natin ah!" bati sa akin ni Gian nang pumasok ako sa room namin. 5:30 palang kasi at 6 am ang start ng klase namin.

"Maaga kasi akong nagising eh" ngumiti naman ako sa kanya

Lumingon ako sa paligid ng makita kong nandun na rin si Vinz at nakaupo habang nagbabasa ng notes niya.

Nahiya naman akong batiin sya kaya umupo nalang ako sa upuan ko

Lumapit naman sa akin si Gian at nagkwentuhan kami. Marami akong nalaman tungkol sa kanya na matagal na pala silang magkakilala ni Vinz at ni Louise.

Nang mag aalasais na ay nagsidatingan naman na ang mga iba naming kaklase. Pumunta na rin si Gian sa dulo katabi ni Vinz.

"Rina! Whooo!" nagulat naman ako nang biglang sumulpot bigla sa harapan ko si Ninia na hingal na hingal at umupo na sa upuan niya

"Akala ko late na ko! Buti na lang!"

"Haha.. Oo nga. Buti nalang" sagot ko naman sa kanya

10 ang subjects namin dito sa Hide Academy kaya naman 6 am to 3 pm kami dahil tig iisang oras bawat subject.

Second to the last subject na kami nang bigla naman bumigat ulit yung pakiramdam ko.

Napatingin naman ang lahat sa likuran ng bigla nalang tumayo sila Vinz at Gian. Tumingin si Vinz sa akin sandali at nilibot na ulit ang mga mata niya sa paligid.

Nagtataka naman at nagbubulungan na ang mga kaklase namin sa inaakto ng dalawa

"Rina, ano bang nangyayari kela Vinz?" tanong sakin ni Ninia

Hindi ko naman siya masagot dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya

"Mr. Yamazaki at Mr. De Vera, bakit kayo nakatayo? Umupo na kayo"

Sabi ng TLE teacher namin. Pero parang walang narinig ang dalawa at pinagpatuloy lang ang ginagawa nila.

Mas lalong dumami naman ang bulong bulungan nang mga kaklase namin at nainis na yung teacher kaya naman pupuntahan sila nito.

Patuloy paring minamasdan nila Vinz at Gian ang paligid habang papalapit nang papalapit ang teacher sa kanila.

Nang konti nalang ang pagitan nang dalawa ay bigla nalang nagdilim ang paligid!

Teka! Wag mong sabihing!!

"Gian" sabi ni Vinz

"Oo Vinz. Alam ko. Nandito lang sya sa paligid" sagot naman ni Gian

Sinong nandito?!

May lulusob na naman bang Kaide dito?

Napansin naman ako ni Vinz

"Shit. Rina magtago ka!" sigaw sa akin ni Vinz. Mas lalo akong kinabahan dahil sa kanya at ayaw kumilod ng mga paa ako.

"Rina! Dun ka sa cabinet magtago" sabi naman ni Gian

Kahit na hirap ako at ayaw sumunod ng paa ay ginawa ko pa rin. Takot na takot ako. Kinakabahan ako dahil pangalawang beses na ito.

Nang nasa tapat na ako ng cabinet ay tinignan ko muna silang dalawa bago ako pumasok

Nang nasa loob na ako. Ilang minuto ang lumipas ay narinig kong may nabasag na bintana

"Nagkita na ulit tayo Yamazaki!" boses babae ito

"Anong kailangan mo dito Sera" tanong ni Vinz

"Alam mo naman siguro ang kailangan ko diba? Pero alam mo ba mas nadagdagan pa ang kailangan ko" sabi nung Sera at humalakhak ito na parang nababaliw

World's PhantasmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon