Chapter 2 - new school

183 7 0
                                    


Chapter 2

Katulad nga ng inaasahan ay maagang gumising si lola para ipasyal ako. Naglalakad lakad kami ngayon sa labas ng village at ipinapakilala rin ako ni lola sa mga kakilala niya para naman daw kilala na rin nila ako. Mababait ang mga tao dito at mga masiyahin.

Nang magtatanghali na at pagod na rin kami maglakad lakad ay umuwi na rin kami para kumain.

"Lola.. San po ako mag aaral?" tanong ko kay lola habang nagluluto sya

"Ah yun ba apo.. Wag kang mag alala pupunta na tayo dun para mag enroll." sabi naman ni lola. Sa Hide Academy kaua ang tinutukoy niya?

"Sa Hide Academy po ba?" tanong ko naman

"Aba't pano mo nalaman? Alam mo ba yung paaralan na yon?" tumingin sakin saglit si lola tapos ay pinagpapatuloy yung pagluluto niya

"Ah.. Hindi po la.. May nakasabay po kasi akong nakasuot ng uniform ng Hide Academy nung papunta ko rito kaya po nalaman ko" pagpapaliwanag ko

"Ah ganun ba"

Tumango naman ako bilang oo. Kumain na kami ni lola at sinabi niyang mag ayos na daw ako dahil pupunta na kami sa Hide Academy ngayon para mag enroll.

--

Pagkatapos kong maligo ay nag shirt and jeans nalang ako para komportable at nag doll shoes.

Pag baba ko sa baba ay naka ayos na rin si lola at ako nalang ang hinihintay

"Ang ganda mo apo kahit na simple lang ang suot mo" puri niya sakin

"Lola naman eh.. Di po kaya." sagot ko naman at ngumiti lang si lola

.

.

.

Habang lumalakad kami papunta sa Hide Academy ay binabati naman kami nung mga tao na pinakilala sakin ni lola.

Nang makarating kami sa Hide Academy ay napakalaki nito. Kasing laki nito yung dati kong school sa Manila

Kulay puti ito at may malaking orasan sa gitna. Napangiti naman ako dahil parang ganto yung style ng school sa Japan based sa napapanood kong anime.

Hindi naman kami talaga pumasok ni lola sa campus dahil hiwalay ang Admission Office sa school. May pinirmahan lang si lola na form at ibinigay yung ilang documents na kelangan pagkatapos nun ay niyaya na niya akong umuwe.

Tinignan ko ulit yung school nang mapansin kong may isang lalake doon na nakadungaw sa bintana ng classroom nila. Nakatingin siya sa akin kaya naman umiwas ako ng tingin.

Matapos ang ilang segundo ay tinignan ko ulit sya pero di na sya tumingin ulit. Hindi ko nalang pinansin at niyaya ko na si lola.

Bago kami umuwi ay bumili muna kami ng mga gagamitin ko katulad ng notebooks at ballpen at ng susuotin kong uniform para bukas.

Pagkauwi namin ni lola, sinabi niya sakin na papasok na raw ako bukas dahil medyo nalate na ako ng isang linggo sa klase. Umoo nalang ako at inayos na ang gagamitin ko para nakaready na.

---

Maaga naman akong ginising ni lola para di ako malate dahil first day ko pa man din ngayon.

"Apo.. Mag aral kang mabuti ah. Kumain ka doon. ingat ka." paalam niya sa akin

"Sige po la.. Bye!." humalik naman ako sa pisngi ni lola at pagkatapos ay pumunta na ako sa school

Pagakapunta ko sa school ay huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok. Kinakabahan kasi ako.

World's PhantasmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon