Chapter 3 - other dimension

154 6 0
                                    

Chapter 3

"Oh apo.. Tinanghali ka yata ng gising. Kumain ka muna" sabi ni lola habang dinidiligan yung mga halaman

"Di na po lola.. Late na po ako eh. Bye po!" bago ko tumakbo papunta sa school ay humalik muna ko sa pisngi niya

Habang tumatakbo ako ay tingnan ko muna yung relos ko mag si-six am na!

"Arrggh! Malalate na ko!" binilisan ko pa lalo yung takbo ko

Halos magka tumba tumba na ako nang makarating ako sa school. Pagkadating ko sa tapat ng classroom namin ay agad kong binuksan ang pinto.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong wala pa si Ma'am Ramos

"Rina! Buti umabot ka. Haha di ka pa late!" sabi ni Ninia

"Oo nga eh. Buti nalang talaga"

Umupo na ko sa upuan ko pero hawak hawak ko pa rin yung dibdib ko dahil sa lakas ng pintig ng puso ko kakatakbo.

"Oh tubig.. Tumakbo ka ba?" inabot sakin ni Ninia yung isang bottled water kaya naman kinuha ko yun at nagpasalamat

"Oo.. Malalate kasi ako pag naglakad pa ko" buti nalang rin at hindi gaanong kalayo ang bahay namin dito sa school.

Ilang saglit pa at dumating na rin si Ms. Ramos. Nagcheck muna sya ng attendance bago siya magturo

"Pascual"

"Present!"

"Santos"

"Ma'am present!"

"Yamazaki"

Yamazaki? Diba yun yung si Vinz? Wow. Ngayon ko palang ata sya nakita malate. Kasi kahit na maaga akong pumapasok lagi ay una pa rin sya.

"Yamazaki"

Tinawag ulit ni Ma'am yung apelyido ni Vinz

Napatingin naman kami lahat nang may biglang pumasok sa pintuan. Si Vinz.

"Sorry Ma'am. I'm late"

"Go to your seat now Mr. Yamazaki. Its your first time to be late in my class." sabi naman ni Ma'am

Sumunod naman si Vinz at naglakad papunta sa upuan niya. Tinuloy naman na ni Ma'am Ramos yung attendance.

"Himala ata at nalate si Vinz" napatingin naman ako kay Ninia

"Kase alam mo Rina.. Simula nung pumasok yan dito ay di pa yan nalate pero may mga times na umaabsent rin sya."

Tumingin ulit ako kay Vinz pero nakatingin siya sa may bintana.

"Yamamoto"

"Yamamoto"

"Ui Rina tinatawag ka na!" nagulat naman ako ng tawagin ako ni Ninia at sinabing ako na daw

"Present Ma'am!"

Pagkatapos mag attendance ay nagturo na si Ma'am. Ilang oras at subject ang dumaan at Math na kami. Buti nalang at si Sir. Ice ang teacher.

Kahit na ayoko ng math at hirap na hirap ako dun ay medyo nabawasan naman dahil kay Sir. Ice.

Isaac ang totoong pangalan ni sir pero Ice na lang daw para maikli. Mahilig magpatawa si Sir at hindi terror. Nag turo sya ng mga logarithmic-logarithmic chuchu at medyo naintindihan ko naman kahit papano.

Malapit nang mag recess nang bumigat na naman yung pakiramdam ko. Mas matindi sya kesa kahapon. Hindi ako mapalagay kaya naman nagpa alam ako na mag ccr sandali.

World's PhantasmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon