CHAPTER 6

3.1K 87 3
                                    

BEATHRIZE POV

NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko, napa kisap-kisap pa ang mga mata ko at bigla ko na lang na realize ang nangyari kagabi. Bigla akong napabalikwas ng bangon ng sariwa pa sa utak ko ang nangyari at nakakahiya yun, sobra!

Ang halikan na pinagsasaluhan naming dalawa ni Edward, "Ghad! Nakakahiya!" padabog akong humiga at nagtakip ng kumot. Parang gusto ko na lang maging kangkong ngayon. Napa talbog-talbog ako sa kinahihigaan ko dahil naalala ko ang kahihiyan na ginawa ko.

Sino naman ang hindi mahihiya kung ganun naman ka gwapo ang kahalikan ko at galit pa ako sa kanya! "Ba't ko ba tinugon ang halik niya? Ahhhhhh!" sigaw ko na puno ng pagsisisi.

Dahil sa ginawa ko ay bigla na lang sumakit ang tiyan ko, "Ahh!" napadaing ako at hinawakan ang tiyan kong saan sumakit. "Why, baby? Kinikilig din ba kayo kasi kinikilig ang mama?" kausap ko sa kanila pero hindi ko alam na ngumiti na ako, "Huwag kayo mag-alala, baby, papahirapan ko pa ang papa niyo dahil sa ginawa ng papa niyo sa akin. Hindi naman niya sinabi na gusto niya pala kayo kaya niya ginawa ang bagay na 'yon. E illegal ang ginawa ng papa niyo, baby." kausap ko sa kanila.

Hindi na sumakit ang tiyan ko, kaya bumangon ulit ako. Ang tahimik ng bahay, tila walang nakatira.

Nasaan ba si Alexie ngayon? Ba't hindi niya ako ginising? Siguro dahil ay buntis ako kaya't hinayaan muna niya ako.

Siguro, ganun, Beathrize.

Napatingin ako sa terrace na sobrang liwanag dahil sa araw na pumasok sa loob kahit may kurtina. Ang nipis lang kasi ng kurtina, makikita mo ang labas, makikita mo ang mga malalaking puno.

Bumaba ako ng kama saka tinungo ang teresa, binuksan ko ang pinto, pagbukas ay bumungad kaagad sa akin ang sariwang hangin.

Humahaplos ang lamig ng hangin sa mukha ko kaya medyo napa-ngiti ako. Lumapit pa ako sa rehas at dito ay makikita mo ang lawak ng paligid.

It was very nice place, so peaceful.

Ilang minuto akong nakatayo dito at pinagmasdan ang mga tanawin. Kay sarap tingnan.

Bumalik na ako sa loob dahil nararamdaman kong sobrang tahimik ng bahay, pag balik ko sa kama ay may nahagilap ako ng isang bagay, isang magandang bulaklak naka-patong sa mini table.

"Rose?" kinuha ko ang bulaklak saka sininghot 'yon. "Hmm...bango." tingnan ko ang bulaklak, ang ganda, sobrang ganda, kulay red at pink ang kulay nito. "Kanino kaya ito galing?" taka kong tanong. "Sino kaya ang nagbigay nito sa akin?" sinuri ko kong may card bang nakalagay, dahil alam kong may letter yan. Hindi nga ako nagka-mali, may maliit na card na naka-ipit sa gilid ng rosas, kinuha ko 'yon at binasa kong anong nakasulat sa maliit na card.

'I'm sorry, Milady.'

Yan ang nakasulat sa card. Alam ko na kaagad kong kanino 'to galing dahil sa salitang "Milady". Siya lang naman ang tingin tumatawag ng Milady sa akin.

Napa-ngiti ako dahil sa sulat niya, may kaonti pang kilig nararamdaman.

I don't know but I felt tingled sensation. I smelled it again. "Hmm, I love it." I sniffed. "Thank you for the flower, Edward." I said even though Edward wasn't here.




KEN POV

SA KABILANG kagubatan, sa likod ng kabundukan, maraming mga bahay na gawa sa kahoy. Pinalibutan ito ng mga malalaking kahoy at sa gitna nito ang napakalapag na lupa.

Sa gitna ng napakalapag na lupa, may dalawang lalaking naglalaban kahit tumatama sa kanila ang malakas na ulan.

Pinalibutan sila ng ibang mga kasamahan nila at nag sisigawan, nag pupustahan kong sino ang mananalo, o matatalo sa kanilang dalawa.

CARRYING THE VAMPIRES BABY (VAMPIRE SERIES Part One) Where stories live. Discover now