#17: Prayer

376 19 5
                                    

Napakahalaga na nakakapag-pray. Sa kahit anumang oras, nasaan ka man— basta naglalaan ka ng oras kay Lord na payapa ka— basta kayo lang ni Lord... Kinuk'wento mo sa Kanya ang lahat. 'Yong bawat desisyon na gagawin mo, ipapadaan mo muna sa Kanya... You pray first before going to everything you're going to do for the day. The best is when you pour your heart to Him... you do not hide anything. You are just being yourself to Him— being honest to Him. Naiintindihan ka Niya. Alam Niya ang nasa puso't isipan mo. Kilalang-kilala ka Niya. Alam Niya kung pagod ka na. Alam Niya kung nahihirapan ka na, na-i-i-stress ka, malungkot ka, 'di ka okay— He knows everything. Just come to Him. Tanggalin ang pride. Be humble. He will give you rest.

Paano lalalim ang relasyon ninyo ni Lord if hindi ka nag-pe-pray? Paano mo Siya makikilala if hindi ka nakikipag-usap sa Kanya gaya ng una? Paano ka magkakaroon ng connection sa Kanya if mas connected ka pa sa mundo kaysa spiritual things? Paano ka magpapagamit kay Lord kung hindi ka man lang naglalaan sa Kanya ng time? Pray without ceasing! 

Hihinto ka na ba sa prayer kapag nakuha mo na ang gusto mo kay Lord? Hihinto ka na bang mag-pray kapag sa tingin mo, hindi na kailangan kasi nag-pray ka naman na noon? Hindi! Napakahalaga ng prayer. Higit pa sa inaakala mo. Huwag baliwalain. Huwag maging tamad pagdating dito. Huwag mong isipin na requirement ang prayer. Enjoy your moments in Him! Malaking bahagi ang prayer sa buhay Kristiyano natin. Habang mas tumatagal ka kay Lord, mas lalong lumalago ang prayer life mo. Huwag mong hayaang masira ang prayer life mo dahil sobrang halaga nito. Kung sobrang busy ka— find time! Priority mo Siya, 'di ba? If dumating man ang times na wala kang masabi kay Lord— just open your heart, cry, and focus only to Him. Holy Spirit will guide you and He helps us in our weaknesses. If you want, listen to Christian songs— meditate the lyrics. If dumating na parang wala kang peace na nararamdaman, just continue seeking Him with all your heart. Hindi Niya bibiguin ang lahat ng nagpapatuloy manalangin. Pinaglalaban ka Niya— magpatuloy ka lang sa prayer! Akala mo walang nangyayari— meron 'yan! Everytime you pray— may nangyayari spiritually! When He moves, nothing can stop Him! Don't rely on what you see. Remember, He also created things that we cannot see. If hindi mo man Siya ramdam, rely on His Words saying, "I will never leave you nor forsake you." If naiisip mo na nakakahiya nang lumapit sa Kanya— yes it's just natural na mahiya pero huwag gawing hadlang 'yon para hindi na makapag-pray. Mahal na mahal ka Niya! Confess your sins to Him and He's faithful— and you're forgiven! Kaya whatever happens and whatever you feel, pray pa rin!

Godly Thoughts (Short Encouragements)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon