#57: Building confidence

31 1 0
                                    

Hindi madaling mag-build ng confidence, lalong-lalo na kung ito'y pilit na sinisira ng mundo. Halimbawa, kahit na alam mong ikaw ay fearfully and wonderfully made Niya, kung aatakihin ka ng doubts o mag-iisip ng negatibo like "pangit naman ako sabi nila", doon pa lang, tinira na agad ang confidence. May standard kasi ang mundo pagdating sa beauty. Pero sa lahat ng pagkakataon, mas makinig/mag-focus tayo sa Word of God dahil iyon ang pawang katotohanan. Ang kaaway kasi, gagawa ng paraan 'yan para masira/ma-down ka. Ang cliche niyang ginagawa ay ang paulit-ulit ng pagbanggit ng mga kasinungalingan. 'Wag lang natin iyon papakinggan.

Maaaring nariyan ang mga nanghuhusga na wala namang nalalaman sa iyo. It takes time to build confidence. Sa mga nararanasan natin, doon unti-unti itong nabubuo/nasisira. Hayaan mo sila— hindi lahat ay mapipi-please mo. Basta ang mahalaga sa lahat ng pagkakataon ay ginagawa mo para sa glory Niya. Hayaan mong si Lord ang magbuo mismo ng confidence mo pero 'wag naman 'yong sobrang confidence na kung saan ay sobrang taas na ng tingin sa sarili at maiisip na 'di kailangan si Lord. Iba na 'yon. Laban Siya sa mga mapagmataas. Ang lahat ng meron tayo ay mula sa Kanya.

Ang confidence na meron tayo kay Lord— sa paglapit natin sa Kanya ay 'wag na 'wag mawawala. Isa pa 'yan sa tinitira ng kaaway— para tuluyan kang malayo sa Kanya, magsasabi siya sa 'yo na "mahiya ka naman, nagkasala ka ta's lalapit ka?" Remember, you are His child nang sumampalataya ka kaya may confidence kang lumapit sa Kanya. Natural 'yong mahihiya ngunit huwag iyon patagalin. He loves you and waits for you.

Basta mahalaga ang confidence. Huwag lang sosobra.

Godly Thoughts (Short Encouragements)Where stories live. Discover now