#50: Have faith lang talaga

42 1 0
                                    

Huwag tayong mag-atubiling lumapit kay Jesus dahil Siya mismo ay nauunawaan ang ating kahinaan at kalagayan dahil naranasan Niya kung paanong maging tulad natin— naging tao Siya. Sa Kanya natin ituon ang paningin dahil Siya ang higit na nakakaunawa sa 'tin, the perfecter of our faith. Kaya dapat magpakatatag tayo sa pananampalataya natin dahil mayroon tayong Jesus sa buhay. Hindi naman nangangahulugang may faith tayo sa Kanya, hindi na tayo manghihina. Ang totoo'y mararanasan natin ang panghihina pero mas makikilala Siya sa oras na 'yon.

Sabi nga rin sa salita Niya na kapag nag-seek tayo, may mahahanap tayo, kung kumatok ay pagbubuksan, hindi ba? Patatagin lamang talaga ang pananampalataya.

Hindi pala natin kailangan na pahirapan ang sarili sa hindi paglapit sa Kanya sa puntong hiyang-hiya tayo. Oo, nakakahiya ang mga nagawa natin na pagkakasala lalo na sa panahon ng panghihina... Subalit nandiyan Siya, maaari natin Siyang lapitan 24/7. Hindi ka naman Niya i-co-condemn. Oo, hate ng Diyos ang sin pero He will show us His grace and mercy.  Magpakatatag lang tayo, hindi Niya tayo iiwan at higit sa lahat tutuparin Niya ang lahat ng pangako. Kung ano ang sinabi Niya, tutuparin Niya 'yon. Manatili lamang tayo sa Kanya. Oo, mabibigo tayo, matutumba, masusugatan, mapuputikan, matatalo, pero we have Him! Sa panahon ng kahinaan, mas lalo natin tignan ang Kanyang kaluwalhatian, kadakilaan, at kabutihan. Have faith lang talaga.

Godly Thoughts (Short Encouragements)Where stories live. Discover now