HPMCP 40: Poignant Conflicts

2.6K 74 1
                                    

HPMCP 40: Poignant Conflicts

Fire

"A-ano?" gulat na tanong ko sakanya. "Ex girlfriend nya si Vana?" tanong ko. Alanganin namang tumango sila Blake.

Natahimik ang buong table namin at kahit na ang ingay sa cafeteria, tanging ang boses lang ni Blake ang naririnig ko.

Vana is Ice' ex girlfriend

Vana is Ice' ex girlfriend

Vana is Ice' ex girlfriend

Tumayo ako at lumabas ng cafeteria at dumiretso sa likod ng school building. Sa garden kung saan ako tumatambay.

Umupo ako sa taas ng puno at bago ko pa malaman, naramdaman ko nalang ang mainit na likidong tumutulo sa pisngi ko.

Nagulat ako nang may biglang nag salita galing sa likod ng punong inuupuan ko. "Tss. Umiiyak ka na naman! Tahan na. Nasasaktan ako pag nakikita kong umiiyak ka."

Lumingon ako qt tumingin sa baba para lang makita ang isang nakangiting Tristan sa akin. "Trist!"

Agad akong bumaba at inambaan sya ng yakap. "Psh. Tahan na." sabi nya at pinunasan ang luha na nasa pisngi ko.

Hinampas ko naman sya sa balikat nang pagka lakas lakas. "Ano?! Para san yun?! Masakit ah!" Natawa nalang ako sa mga protesta nya. Kahit kailan talga oh!

****

Nakahiga na ako sa kama pero hindi parin ako makatulog. Bukod sa pag-aalala dahil sa paparating na Solstice ay mas nakadagdag pa ang sitwasyon namin ni Ice.

Nagmumuni muni ako nang biglang nag ring ang phone ko. Sinagot ko naman agad yun. "Hello?" sabi ko sa kabilang linya.

"..." walang sumagot sa kabilang linya pero kilala ko kung sino to. Kaya naman mas lalo pa akong nainis.

"Kung hindi ka sasagot, I'm hanging up."

"Fire wait. "

I rolled my eyes as I answered him.

"Now what?!"

"Chill. May problema ba babe?"

Again, I rolled my eyes due to the irratation Im feeling. "Hello! Ice, okay ka lang?! Kasama mo ang ex girlfriend mo dyan! Anong gusto mo? Magpaparty ako?!"

"Fire, please."

I sighed. "Kung hindi ko pa tinanong kay Blake, hindi ko pa nalaman"

I heared him sigh on the other line. "Im sorry." sabi nya.

"You know what? Just...ughhh!" I screamed out of frustration.

"Mabuti nalang nandito si Tristan--"

"Tristan na naman!"

Napataas naman ang kilay ko dahil sa pagtaas nya ng boses sakin. Aba! Sya na nga tong may kasalanan, sya pa ang galit.

"Oo Ice! Si Tristan na naman! Dahil sya yung nasa tabi ko nang mga oras na kailangan ko nang makakausap! Sya yung palaging nandyan nung mga oras na kailangan kita. Nung mga oras na kailangan ko ang boyfriend ko!"

Natahimik sa kabilang linya. Napa buntong hininga nalang ako at tinapos ko na yung tawag. Nakakinis!

•••**•••**•••**•••**

VOTE

COMMENT

BE A FAN

Hot Princess meets Cold PrinceWhere stories live. Discover now