HPMCP 30: The way he treats me

2.9K 81 0
                                    

HPMCP 30: The way he treats me

Fire

"Fire! Bilisan mo na! Kanina pa daw sina Blake don at alam mo ba na kanina pa ako gutom na gutom?!" sigaw sakin ni Chandyll.

"Oo na! To naman! If I know, kaya ka nagmamadali kasi nandon si Vex" mapanudyo kong sabi sa kanya. Inirapan nya lang ako kaya naman tawa ako ng tawa.

May gusto kasi tong isang to kay Vex. Nasa room nga pala kami, lunch break na at papunta na kami sa cafeteria kasi naghihintay na sina Blake, Vex, Chev at Tristan don.

Pagdating namin don, umorder na ako ng pagkain pero hindi ko alam na si Ice pala ang kasunod ko. Pagtalikod ko, "I-ice" sabi ko habang nakatunganga sa kanya.

"Pwede ba miss, bilisan mo na at umalis ka na dyan. Nagugutom na ang girlfriend ko." sabi nya sakin. Yung tingin na binibigay nya sakin, parang...

Hindi nya talaga ako kilala. Parang isa akong stranger para sa kanya. Naglakad nalang ako pabalik sa table namin.

"Oh, Fire, bakit ang tagal mo?" tanong ni Tristan pero hindi ko sya nasagot kasi nakatingin lang ako kina Spark at Ice sa kabilang table habang nagtatawanan.

•••**•••**•••**•••**

Nasa garden ako sa likod ng building. Pagpasok ko, umupo ako sa lilim ng isang puno. Pinikit ko ang mga mata ko habang inaalala ang mga masasayang alaala namin ni Ice.

Haaayy. Ang sakit parin hanggang ngayon. Pinipilit kong magmukhang masaya sa harap nila kasi ayaw kong kaawaan nila ako.

Pero sa araw araw na nakikita ko silang masaya na magkasama, parang pinipira piraso ang puso ko.

Kinuha ko ang earphones ko at isinaksak yun sa tenga ko. Hindi ko namalayan na nalatulog na pala ako.

•••**•••**•••**•••**

Tristan

Asan na ba si Fire? Kanina ko pa yun hinahanap ah. Pinuntahan ko na lahat ng pwede nyang puntahan.

Sa rooftop, sa graden, sa may fountain pero wala. Pabalik na sana ako sa classroom nang may maalala ako. Oo nga pala, bakit di ko yun naisip?

Agad akong pumunta sa garden sa likod ng building pero nabigla ako nang makita ko si Ice. Nakatingin sya sa natutulog na si Fire.

Parang gusto nyang punasan yung luha ni Fire pero nag aalangan sya. Tama nga ang hinala ko. Kung nagkataon, buong kaharian na kinabibilangan ko ang mapapahamak.

•••**•••**•••**•••**

Short update. Bawi ako sa next chapter..Pramis!

•••**•••**•••**•••**

VOTE

COMMENT

BE A FAN

Hot Princess meets Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon