Happy Ending?: Chapter 29: I Do <3

4.5K 66 6
                                    

~Third Person's POV~

Ito na ang pinakahinihintay na araw ng lahat.

Ang araw na makapagpapasaya kila Kath at Dj.

Ang araw na magsasabi sila ng kanilang mga vows.

Ang araw na magsusuot sila ng sing-sing sa kanilang daliri.

Ang araw na kung saan magsusumpaan sila sa harap ng mga tao at sa Diyos.

At ang araw na magsasabi sila ng "I DO".

"Bes kinakabahan ako. Pano kung may tumutol?" Ang sabi ni Kath sa kanyang bestfriend na inaayusan siya ng buhok.

"Ano ka ba Bes! Kahapon ka pa ah? Kelan mo balak tumigil hah? Unli ka? Unli? At tsaka wag ka ngang nega Bes! Siguro naman walang tututol sa kasal ninyo. Stay positive ka lang!" Sagot naman ni Julia.

Napakamot na lang sa batok si Kath. "Eh kasi naman eh." Pagkasabi niya non, natapos na rin si Julia.

"Ayan Bes! Tapos na! Tayo ka nga." Tumayo naman si Kath at pumalakpak si Julia. "Ang ganda mo Bes! Siguradong hulog yung panga ni Dj kapag nakita ka niya!" Tumatawang sabi ni Julia.

Tumigil sa pagtawa si Julia. "Teka... May kulang eh." Sabi ni Julia habang nakahawak sa baba niya at nakatingin kay Kath.

"Hah? Anong kulang?" Nagtatakang tanong ni Kath.

"Aha! Make-up! Umupo ka ulit at lalagyan kita ng light make-up.. Para naman lutang pa rin yung natural beauty mo." Umupo naman ulit si Kath at sinimulan na siyang lagyan ng make-up.

Natapos ng make-up-an si Kath. Manghang-mangha naman si Julia sa kanyang magme-make-up kay Kath.

"Perfect! Ang ganda mo talaga Bes!" Sabi ni Julia kay Kath habang umiikot sa kanya.

"Sus! Alam kong maganda na ako dati pa." Pagmamayabang naman ni Kath.

"Makalabas na nga muna dito... Ang hangin eh!" -Julia

Dumako naman tayo kila Dj na nasa simbahan na.

Kasalukuyang hinihintay ni Dj si Kath.

Habang naghihintay si Dj, biglang sumulpot ang kanyang mga kaibigan.

"O Pre! Congrats at ikakasal ka na!" Bati ng kaibigan niyang si Lester.

"Salamat Pre." Sagot naman ni DJ kay Lester. Napansin ng magkakaibigan na tulala si Dj.

"Huy Bro! Ayus ka lang? Kanina ka pa tulala dyan." Sabi ni Sed kay Dj.

"H-hah? Oo Bro, ayus lang ako. Hinihintay ko lang si Kath." Sagot naman ni Dj.

"Naku Bro! Malabo ng dumating yun." Biro naman ni Katsumi.

Sinamaan ng tingin ni Dj si Katsumi. "Gusto mong makatikim Bro?" Tanong ni Dj.

"A-ah hindi! Sabi ko dadating yun! Yun pa. Mahal ka kaya nun.." Bawi ni Katsumi.

"Sige Pre!  Una na kami. Congrats ulit ah?" Pagpapaalam ni Lester.

"Sige. Salamat ulit." Sagot naman ni Dj.

Binalik na ni Dj ang tingin niya sa labas. "Di na yun dadating." Bulong ni Katsumi pero narinig siya ni Dj. Sinamaan ulit ng tingin ni Dj si Katsumi. "Hindi! Dadating yun! Congrats ulit Bro!" At binilisan na ni Katsumi ang lakad.

Happy Ending? [KathNiel] [Completed]Where stories live. Discover now