Happy Ending?: Chapter 20

2.5K 43 1
                                    

~Kathryn's POV~

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Pano kung totohanin ni Zharm ang mga sinabi niya sakin kahapon?

Pano kung saktan talaga niya ang pamilya ko at ang barkada?

Gulong-gulo na ang isipan ko....

Iisa lang talaga ang alam kong paraan para hindi galawin ni Zharm ang pamilya ko at ang barkada.......









Ang makipaghiwalay kay DJ....

Tama ang nabasa niyo, makikipaghiwalay na ako kay DJ.

Alam kong masasaktan si DJ pero para sakanila talaga toh...

Wala na akong maisip na ibang paraan para tumigil si Zharm..

Kaya mamaya pagdating ni DJ sasabihin ko na lahat-lahat..

~Daniel's POV~

Hay, sa wakas nakauwi na rin...

Pagpasok ko sa bahay nakita ko si Kath na nakaupo sa sala.

"Good evening Babe!" Sabay halik sa cheeks niya.

Hindi siya umimik..

Ano nangyari sa kanya?

"Babe?" -Ako

Wala pa rin...

"Babe? Bat' ayaw mo kong pansinin?" -Ako

Tumayo siya at nakita kong malungkot ang mukha niya.

May namumuong mga luha sa gilid ng mga mata niya.

"Babe, bakit ganyan itsura mo? Sinong nangaway sayo? Sabihin mo sakin." -Ako

"Sorry Babe." -Kath

"Hah? Bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang ginawang masama sakin?" -Ako

Bigla na lang siyang humagulgol.

"Babe, I'm sorry, pero...." -Kath

"Pero ano?" Kinakabahan ako sa sasabihin niya..

"Pero..... Makikipaghiwalay na ako sayo." -Kath

Hah? Ano lang yung sinabi niya?

Makikipaghiwalay na siya sakin?

Baka niloloko niya lang ako.

Baka mali lang yung dinig ko.

"Babe, wag ka ngang magbiro ng ganyan." May namumuo ng mga luha sa mga mata ko.

"Babe, hindi ako nagbibiro! Totoo ang sinabi ko sayo kanina na makikipaghiwalay na ako." -Kath

Tama nga... Tama nga ang narinig ko.

Pero bakit?

"Bakit? Pano na si Kiara?" -Ako

"Kasi...... Sabi ni Zharm may gagawin siyang masama sa inyo at sa barkada kapag hindi kita nabigay sa kanya. Para sa inyo naman tong ginagawa ko eh.. Kaya, sorry." -Kath

"Diba nangako ka sakin na kahit anong gawin ni Zharm hindi tayo maghihiwalay?" -Ako

"Eh, natakot lang naman ako na baka totohanin niya ang mga sinabi niya sakin." -Kath

"Pero......" -Ako

"Wala ng pero pero. Nagawa ko na ang lahat. Nangyari na ang nangyari." -Kath

"Pano si Kiara?" -Ako

"Sa iyo na si Kiara..." -Kath

Naglakad na siya papunta sa taas.

Sinundan ko naman siya.

Pagdating namin sa kwarto, kinuha niya yung bagahe niya at nagimpake.

"K-kath... A-anong ginagawa mo?" -Ako

Hindi niya ako pinansin. Patuloy pa rin siya sa pagimpake.

Pagtapos niyang magimapake, lumabas na siya ng kwarto.

Sinundan ko ulit siya.

Nang malapit na siya sa pintuan....

"Kath, wag mo kong iwan! Hindi ko kaya na wala ka dito. Please Kath, wag mo kong iwan..." -Ako

Nandito na kami sa gate..

Bago pa niya mabuksan yung gate......

"Kung yan ang gusto mo Kath... Basta tandaan mo mahal na mahal kita Kath.. Hinding hindi kita makakalimutan." -Ako

"Sorry DJ...." -Kath

At tuluyan na siyang lumabas ng gate.

Wala na siya. Wala na si Kath.. Iniwan niya ako.

~Kathryn's POV~

Habang naglalakad ako papunta sa bahay ni Mama umiiyak ako.

Sino bang hindi maiiyak sa ginawa kong desisyon?

Sorry DJ..

Sorry kung iniwan kita. Para naman sainyo toh eh.

Habang naglalakad ako may biglang tumigil na sasakyan sa harapan ko.

May bumabang lalaki at lumapit sakin.

Nilagyan niya ng panyo ang ilong ko and.......






Everything went black.

====

Happy Ending? [KathNiel] [Completed]Where stories live. Discover now