MIRROR

6K 98 15
                                    

[MIRROR]

 

Ella’s POV

 

I’m now 1st year college. At first time ko lang sa dormitory ng school. Malayu-layo kasi ang sa amin sa school kaya pinili kong magdorm na lang. Apat lang kami sa room, Dyan, Lebs, Hanah at ako. Si Dyan at Hanah ay 3rd year na habang si Lebs ay 2nd year pa lang, ako ang pinakabata kaya ako lang ang uma-‘ate’ sa kanila. Lahat kami ay bago sa dorm na yun dahil kabubukas pa lamang. Kaming apat pa lang ang naroon kasi wala pang umuupa sa dalawa pang kwarto.

Isang gabi, na-late akong umuwi kasi nagpractice pa kami para sa play kinabukasan. Malapit na ako sa pintuan ng dorm ng makita kong may isang babaeng naka-school uniform para sa nursing ang pumasok sa pinto, imposibleng sina ate yun dahil wala namang nursing student samin. “Baka may lumipat na sa kwarto,”naisip ko at nagpatuloy sa paglalakad na may ngiti sa labi para naman kapag nakita ako ng mga lumipat sa kabilang kwarto ay isipin nilang masaya akong makita sila.

Magkaka-kapit lang naman ang mga kwarto dun, may space lang na isang eskenita tapos magkaharap na yung mga pinto sa kusina, sa gilid yun.

Pagpasok ko ay nabungaran ko si ate Lebs sa sala, nanonood ng TV. “Ate, sino yung babaeng pumasok?” medyo excited kong tanong. Nakakasawa na rin kasi ang mga mukha nitong mga ka-dorm ko, palagi nilang silang nakakasama ko at nakikita ko.

“Sinong babae?” nakatutok pa rin siya sa pinapanood nya. “Wala naman akong napansin ah.”

Baka nga di napansin ni ate kaya pumasok na ako sa kwarto namin. Baka nga nasa loob na ng kwarto yung babae. Lumabas ng CR si ate Hanah, nagpupunas pa siya ng buhok niya. Dahil nakabukas ang ilaw sa loob ng CR, nakita kong may isang babae pa dun. “Ate, kasama mo ba si ate Dyan sa CR?” tanong ko. Naguguluhan talaga ako kasi alam ko namang ayaw na ayaw ni ate Dyan na may kasama sa loob ng CR kapag maliligo.

“Babae? Ikaw, Ella, ha. Alam mo namang tayong apat lang dito eh at kilala naman natin pareho si Dyan. Wala pa siya noh, di pa nga dumarating eh.”

 

Sa sinabi niyang iyon ay nangilabot ako. Tumingin ulit ako sa CR, nandun pa rin ang babae. Siya yung babaeng naka-nursing uniform! Nakatalikod sya sa min. “Eh sino yung nasa CR, ate?”

 

“Wala naman ah?” sabi ni ate pagkatapos niyang lingunin ang CR.

How come na wala siyang nakita eh nandoon pa rin ang babae?! Namutla ako. Agad akong lumabas ng kwarto, hinarap ko ang tv. Pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin ng tingin.

Kinabukasan, di ko ginustong magtagal sa loob ng dorm kaya tinext’san ko ang isang classmate ko na sunduin ako ng maaga.

Habang nagsusuklay sa salamin ay parang may nakita akong dumaan sa likuran ko, “oy wag kayong mag-joke ng ganyan ah,” medyo garalgal pa ang boses ko. Baka kasi binibiro ako ng mga ka-dorm ko.

“Ella!”

 

Napatalon pa ako, “psh! Pasok ka muna!” yung classmate ko yun. Makasigaw naman kasi eh.

“Ayoko, lumabas ka na lang,” sagot niya sa akin.

Paglabas ko, hinila agad niya ako palayo sa dorm, “may kasama ka dun?”

 

“O-oo. Yung mga ka-dorm mates ko pero nasa kwarto.”

 

“Ha?” lumingon siya sa dorm ko, “eh sino yung babaeng kasama mong nagsasalamin kanina?”

These are Horror Stories, DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon