Common Comfort Room

7.4K 131 19
                                    

A/N: Most stories dito ay either narinig lang sa mga kapitbahay, urban legends, from the net, mga nirevise and the likes. :) Ganun. Gaya ng isang to, narinig ko lang sa mga kaklase kong nagtatakutan habang naghihintay ng teacher haha :) Thank you!

***

Leanna's POV

45% ng buong populasyon ng Pilipinas ay gifted o yung mga nakakakita ng ibang entities. 55% naman ang hindi. Isa ako sa 55% na iyon at simula pa noong bata ako ay gusto ko ng makakita ng isa.

"Lean, all you have to do is stare intently," advice sa kin ni Beth na kasa-kasama ko at isa siya sa 45% na populasyon ng Pilipinas.

Isang araw ng huwebes, nagkaroon kami ng biglaang meeting. Kaming second year pharmacy students, mga 200 kaming Pharmacy students kasi four sections lahat at 50 students per section. Sa theatre kami ng university nag-meeting. Parang sinehan lang iyon na may balcony din at may orchestra. Parang sinehan talaga, kapag sa taas ka pupwesto (orchestra), makikita mo ang nangyayari sa ibaba (balcony).

Sa likuran kami pumwesto ni Beth kasama ang ibang classmates namin.

"Lean, samahan mo naman ako sa CR, sasabog na pantog ko dito eh," aya sa akin ni Beth habang halatang namimilipit na talaga.

"Sige, nabo-bore din lang naman ako dito eh. Lika na."

Pinabantayan namin yung mga bags namin.

Pagpasok sa CR ay agad pumunta si Beth sa pinakadulong cubicle doon. Maliwanag sa loob ng CR kasi puti ang tiles doon. Kami lang din yung tao dun kasi kalalabas lang nung dalawang babaeng naabutan namin kanina doon.

Ako naman, tinitigan ng mabuti yung baba ng mata ko, baka kasi kumalat or nag-fade na yung makeup ko. Tapos tinitigan ko din yung contact lens ko. Color black kasi. Brown kasi natural na kulay ng mga mata ko.

Nilapit ko pa yung mukha ko sa salamin habang nakikipagtitigan ako sa mga mata ko sa salamin. Habang tumatagal ay may napansin akong kung ano sa mismong gitna ng mata ko. Parang may linyang makapal. Tumitig pa ako at napagtanto kong sa likuran ko nanggagaling yung nagre-reflect na linya sa mga mata ko.

Paglingon ko ay wala naman akong nakita kundi yung mga puting tiles pa rin.

Bumalik ako sa pagkakatingin sa mga mata ko. Wala na yung linya, "Ha?" napanganga na lang ako. Kanina meron lang tapos wala na ngayon, hinaplos ko pa ang salamin pero malinis naman iyon.

Mas nilapit ko pa mukha ko...

at unti-unti ay...

nag-appear ang linya na parang  sa mga matata ko lang nanggagaling.

Pero ngayon, mas malinaw na.

Hindi pala iyon basta linya lang!

Kundi isang malabong imahe na di ko masigurado kung ano!

"B-Beth, dalian mo... tara na!" nanginginig pa ako habang pinagsalikop ko ang mga palad kong namamasa na.

Paglabas namin ng Cr ay bumulong ako kay Beth, "hindi na muli ako pupunta sa CR na yan, pangako."

"Nakita mo rin ba yung babaeng nakaitim?"

Nanindig yung mga balahibo ko dahil sa sinabi niyang iyon, "O-Oo."

"Kanina pa talaga siya doon, mga pagpasok pa lang natin. Akala ko di mo makikita!"


Nanghilakbot ako sa sinabing iyon ni Beth.

Kung noon ay kating-kati akong makakita ng ganung aparisyon, ngayon, hinihiling ko na na sana'y di na maulit pa yung kaganapang iyon.

*** 

A/N ulit: Totoo po tong nangyaring ito sa school namin. Iniba ko lang po ang pangalan at course ng mga tauhan pero yung lugar, totoo po yung lahat.

 THANK YOU!

These are Horror Stories, DearWhere stories live. Discover now