TULA

1 1 0
                                    

Ang tula na aking ginawa
Upang maipahatid ang aking nadarama
Sa babaeng nais kong makasama
Ngunit ako'y sa kanya'y nawalan ng pag asa

Hindi man ako eksperto sa pag ibig
Pero aking ipipilit
Na ika’y aking inibig
Sa bawat saglit

Isa ka sa mga taong sakin ay nagpasaya
Makita palang kita, ako ay ubod na ng ligaya,
Ngunit kalungkutan ay nadama
Nang malaman kong may gusto kang iba

Hindi ko ni nais na ibigin ka
Ngunit ako'y nabighani sa iyong ganda
Ika’y naiiba
Sa mga babaeng aking nakilala

Kaya't ako ay nag papasalamat
Sa ligayang iyong binigay
Na kahit masakit
Puso'y sayo padin inalay

Kaya’t saking pang huling sulat, ako ay namulat
Sa katotohanang ako ay balewala lang
Ang pagmamahal kong walang sukat,
Ay sadyang hanggang sulat nalang

Isa akong tangang umasa
Dahil akala ko'y merong pag asa
Umibig nang mag isa
Kaya't ngayo'y nag durusa

Nararamdaman ay lilimutin
Sakit ay kikimkimin
Pipiliting magising
Na ikay hindi para sakin

Ika'y papalayain
At ika'y palilisanin
Tatangapin ang di pag pansin
At ang pag layo sa akin

Sa panaginip nalang matutupad ang gusto
Na maging tayo
Dahil akoy hindi para sayo
At puso'y moy para sa ibang tao

Spoken Word PoetryWo Geschichten leben. Entdecke jetzt