"BAHAGHARI"

4 1 0
                                    

Isang tulang magpapakita kung paanong kadiliman ay nagkaroon ng kaliwanagan, itim ayl naging puti, buhay na kay pait, napuno ng ngiti, at pusong durog ay nabuong muli.

Ito, ang buhay ko...
Sisimulan, sa pagaakalang buhay ay sadyang masaya-malungkot, malungkot-masaya, paulit ulit lang. Laging natatapos ang araw na ang tanong, "sino nga ba ako?" at kasabay ng pagsikat ng araw, ang pagbukas ng aking mga mata, na hindi pa rin makita ang kabuluhan ng buhay. Panibagong araw nanaman, panibagong lungkot din ang dala. Minsan may nakapagsabi sakin na wag maging masyadong masaya dahil sadyang itoy may kapalit, hindi walang hanggang ngiti pero isang bagsakang sakit. Araw araw akong nadudurog na hindi ko na alam ano pa sa buhay ko ang buo. Araw araw akong namamalimos ng pagmamahal, ng pansin, ng pagkalinga pero wala sa kahit ano o kahit sino ang may kayang punan.

Isang kabataang naliligaw at hindi alam kung san sya papunta. Ang pangarap, sumaya at hindi na magpanggap. Simple pero ang hirap makamtan.

Minsan mo na bang natanong sa sarili mo kung bakit ka ba nandito? Kung may nagawa ka ba sa mundo para talikuran ka nito? Kung bakit sa bawat araw na dadaan, hindi mo man lang makamit ang tunay na kagalakan. Dahil ako, malapit ng sumabog kakatanong.

Pero lahat ng to may katapusan, paano kayang sa isang iglap, umikot ang lahat, at nagliwanag. May isang Taong nagpakilala sa akin, isinalaysay ang buhay Niya at ako tila baga'y namangha. Maaari ka pa lang maging masaya ng hindi nagpapanggap.

Lagi Niyang sambit na buhay ay kay sarap, isang pangungusap na hindi ko matanggap. Sa lahat ng bagyong aking kinaharap, ngayon ko lang napagtanto na di lahat ng ulan ay magtatagal. Dahil minsan kailangan mo lang din sabayan ang pagpatak ng ulan, nang maliit na paniniwala, paniniwalang lahat ng pinagdadaanan ay may katapusan.

Sa mga taong hindi napagod makitangpisaw sa agos ng aking buhay. Sa mga hindi nagsawang pakinggan ang mga nakaririndi kong kwento. Sa mga patuloy na naniniwalat nagtitiwala na buhay koy may rason, salamat.

Kayo ang nagsisilbing bahaghari ng mabagyong buhay ko.

Ba-hag-ha-ri

Ba-on ko ang mga karanasan na hindi lang masaya pero masakit kung madalas. Pero dahil sa mga ito, natuto akong tumindig at hindi tumakas.

Hag-dan ang buhay, kailangan mo laging mamili, kung aakyat ka pataas at iiwan ang mga dati mo ng nahakbangan, o mananatili at hindi na gugustuhin pang maabot ang tuktok ng hagdan na kung saan naroon ang matagal mo ng minimithi, ang kasiyahan.

Ha-nda ng harapin mga bagyong parating, na mayroon ng pusong hindi pasisiil. Hindi na muling iisipin pang sa buhay ay tumigil.

Ri-to sa harap nyo, isiniwalat ko ang buhay na pinagkatago tago. Naway naging inspirasyon sa pagpapatuloy sa landas na minsan hindi sa atin umaayon.

Ating balikan, ang Taong ang aking nakilala, ang Taong hindi kailanman lumiban ng tingin at ng pansin, ang Taong di ko inaasahang nandyan pala para sa akin, palagi kong naririnig ang pangalan Niya, pero isinasawalang bahala ko lang.

Siya, oo, Siya, hindi ka man makapaniwala pero hayaan mo lang na Siya na mismo sayoy magpakilala.

Ito ang buhay ko,
Binagyo pero nagbigyan ng bahaghari
Nalunod pero muling inahon ng Hari
Naligaw pero landas ay nakitang muli
At nadurog pero binuo unti-unti

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now